Pilipinas, nananatiling kanlungan ng mga refugee

Sa paggunita ng National Refugee Day ngayong 2025, muling iginiit ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang matatag na paninindigan ng pamahalaan sa pangangalaga sa mga refugee, stateless persons, at asylum seekers. Bilang tagapangulo ng Inter-Agency Committee on the Protection of Refugees, binigyang-diin ni Remulla ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagkalinga sa mga taong nawalan… Continue reading Pilipinas, nananatiling kanlungan ng mga refugee

DMW, handang ilikas ang mga Pinoy na naipit sa girian ng Israel at Iran kung kakailanganin

Mahigpit na binabantayan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pinakahuling sitwasyon sa Gitnang Silangan kasabay ng nagpapatuloy na sigalot doon. Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, may nakalatag na silang contingency plan sa sandaling kailanganin nang ilikas ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) doon. Magugunitang inanunsyo ng DMW nitong weekend na nakataas… Continue reading DMW, handang ilikas ang mga Pinoy na naipit sa girian ng Israel at Iran kung kakailanganin

BIR, nagdagdag pa ng 9 na gamot sa listahan ng VAT-Exempt Medicines

Nadagdagan pa ang mga gamot na exempted sa Value Added Tax (VAT). Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., siyam pang gamot ang isinama sa listahan ng VAT-Exempt Medicines na inendorso ng Food and Drug Administration ng Department of Health. Kabilang dito ang mga gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, kidney disease at tuberculosis. Ang… Continue reading BIR, nagdagdag pa ng 9 na gamot sa listahan ng VAT-Exempt Medicines

PBBM, nanindigang dapat mas mangibabaw ang uri ng paglilingkod sa bayan kaysa pagkakaibigan

Hind tungkol sa pagkakaibigan ang pagiging public servant kundi pagsisilbi at serbisyo para sa tao. Bahagi ito ng teaser ng ikalawang podcast ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kung saan ay ginawa nitong pamantayan ang ipinatutupad sa militar, na dito ay kailangang makatugon ang isang kawal sa kung ano ang hinahanap at ipinagagawa sa kaniya.… Continue reading PBBM, nanindigang dapat mas mangibabaw ang uri ng paglilingkod sa bayan kaysa pagkakaibigan

Pagkakatanggal ng Pilipinas sa listahan ng high-risk countries ng European Commission, ikinalugod ng BSP

Itinuring na magandang balita ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. ang desisyon ng European Commission (EC) na tanggalin ang Pilipinas mula sa listahan ng mga bansang may mataas na panganib pagdating sa financial crimes. Pero ayon kay Remolona, kailangan pa ring kumpirmahin ng European Union (EU) Parliament ang desisyon ng EC.… Continue reading Pagkakatanggal ng Pilipinas sa listahan ng high-risk countries ng European Commission, ikinalugod ng BSP

Iba pang water districts sa bansa, pinagsusumite na rin ng report kaugnay sa problema sa suplay ng tubig sa kanilang nasasakupan

Nakatutok na rin ang Local Water Utility Administration (LWUA) sa pagtukoy kung nararanasan din sa ibang mga paaralan ang kawalan ng suplay ng tubig na nakakaapekto sa kalinisan o sanitasyon ng mga mag-aaral sa eskwelahan. Pahayag ito ni LWUA President Atty. Jose Salonga, makaraang paimbestigahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sitwasyon sa dalawang… Continue reading Iba pang water districts sa bansa, pinagsusumite na rin ng report kaugnay sa problema sa suplay ng tubig sa kanilang nasasakupan

Higit 17k minimum wage earners sa Bicol, makikinabang sa P20/kilo bigas program ni PBBM

Tinatayang 17,463 minimum wage earners sa rehiyong Bicol ang kwalipikadong makinabang sa programang P20 kada kilong bigas sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron Na” rice initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pangunguna ng Department of Agriculture katuwang ang Department of Labor and Employment at National Food Authority. Ayon kay DOLE Bicol Regional Director Imelda… Continue reading Higit 17k minimum wage earners sa Bicol, makikinabang sa P20/kilo bigas program ni PBBM

Business group, pinuri ang Kongreso sa pagpasa ng panukala na magpapasigla sa ekonomiya

Welcome sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) ang pag-apruba ng Kongreso ng dalawang mahalagang panukalang batas na layong palawigin ang term of lease ng foreign investors ng hanggang 99 na taon at pabilisin ang proseso ng right-of-way para sa mga proyektong pang-imprastruktura. Ayon sa FFCCCII, magpapalakas ito sa pagpasok… Continue reading Business group, pinuri ang Kongreso sa pagpasa ng panukala na magpapasigla sa ekonomiya

NPC at Red Cross, nagsagawa ng Bloodletting Activity para sa World Blood Donor Day

Isinagawa ngayong araw sa Magallanes Drive, Intramuros, Maynila ang bloodletting activity na may temang “Dugo Alay sa Buhay” bilang bahagi ng selebrasyon ng World Blood Donor Day bukas. Pinangunahan ng National Press Club (NPC) at Philippine Red Cross ang nasabing aktibidad para makalikom ng sapat na suplay ng dugo para sa mga ospital at pasyente… Continue reading NPC at Red Cross, nagsagawa ng Bloodletting Activity para sa World Blood Donor Day

Kalayaan 2025 Job Fair sa Davao City, nagtala ng mataas na bilang na hired on the spot kumpara noong 2024

Nagtala ang Department of Labor and Employment 11 (DOLE 11) ng mataas na bilang na hired on the spot (HOTS) ang isinagawang Kalayaan 2025 Job Fair sa Davao City nitong ika-127 na Araw ng Kalayaan. Base sa DOLE 11 Job Fair Portal, 172 ang naging HOTS kahapon kung saan mas mataas ito kumpara sa 83… Continue reading Kalayaan 2025 Job Fair sa Davao City, nagtala ng mataas na bilang na hired on the spot kumpara noong 2024