15 katao patay, 2 sugatan sa sunog sa isang residential area sa Tandang Sora, QC

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection na 15 ang nasawi kabilang ang isang 3 taong gulang na bata sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Pleasant View Subdivision, Brgy. Tandang Sora, QC kaninang pasado alas-5 ng madaling araw. Ayon sa BFP, mabilis na kumalat ang apoy sa bahay na nagsisilbi ring pagawaan o… Continue reading 15 katao patay, 2 sugatan sa sunog sa isang residential area sa Tandang Sora, QC

Apektado ng Bagyong Goring, higit 300,000 indibidwal na — NDRRMC

Sumampa na sa 85,395 pamilya o 305,481 indibidwal ang naaapektuhan ng bagyong Goring sa bansa. Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Nagmula ang mga apektadong residente sa 1,152 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR). Habang umakyat… Continue reading Apektado ng Bagyong Goring, higit 300,000 indibidwal na — NDRRMC

Lisensya ng 2 motoristang sangkot sa panibagong viral road rage sa Makati, sinuspinde ng LTO

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 araw ang driver’s license ng dalawang motoristang sangkot sa panibagong alitan sa kalsada sa Makati na viral na rin ngayon sa social media. Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, inisyuhan na ng Show Cause Order (SCO) ang mga motoristang nagkaalitan sa Makati kabilang… Continue reading Lisensya ng 2 motoristang sangkot sa panibagong viral road rage sa Makati, sinuspinde ng LTO

Pitong kalsada, sarado pa rin sa mga motorista matapos masira dahil sa bagyong Goring

Nananatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan ang pitong kalsada sa Region 1, Cordillera Administrative Region, Region 2 at Region 6 dahil sa epekto ng bagyong Goring. Sa report na nakarating kay Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan, may mga kalsada na lubog sa baha, may mga landslide, nagbagsakan na mga bato at… Continue reading Pitong kalsada, sarado pa rin sa mga motorista matapos masira dahil sa bagyong Goring

Pagbabanta ng baril laban sa riders, pinaiimbestigahan ng 1-Rider Party-list sa kongreso

Pinaiimbestigahan nina 1-Rider Party-list Representatives Rodge Gutierrez at Bonifacio Bosita ang mga insidente ng pagbabanta ng baril laban sa mga naka-2 wheels, partikular na iyong piskal at dating pulis na bumunot ng mga baril laban sa isang rider at siklista. Ayon kay Rep. Gutierrez, hindi ito ‘isolated incident’ at hindi ito dapat palagpasin Ayon sa… Continue reading Pagbabanta ng baril laban sa riders, pinaiimbestigahan ng 1-Rider Party-list sa kongreso

Special Election sa ikatlong distrito ng Negros Oriental, itinakda sa ika-9 ng Disyembre

Nagtakda na ang Commission on Election ng araw para sa Special Election sa 3rd District ng Negros Oriental. Ito’y matapos ideklara ng House of Representatives na bakante ang position ng Kinatawan sa naturang distrito matapos patalsikin bilang kongresista si Arnulfo Teves. Ayon kay Chairman George Erwin Garcia, sa December 9, 2023 ang itinakda nilang araw… Continue reading Special Election sa ikatlong distrito ng Negros Oriental, itinakda sa ika-9 ng Disyembre

Pagkakakumpiska ng P13-M halaga ng droga sa Surigao, pinuri ng PNP chief

Pinuri ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga operatiba na nagsagawa ng matagumpay na operation sa Surigao City kahapon kung saan nakuha mula sa tatlong arestadong suspek ang mahigit 13 milyong pisong halaga ng shabu. Ang buy-bust operation sa compound ng Philippine Ports Authority sa Brgy. Lipata ay isinagawa ng mga tauhan… Continue reading Pagkakakumpiska ng P13-M halaga ng droga sa Surigao, pinuri ng PNP chief

BOC, agad na tumugon sa kautusan ng Pangulo na habulin ang mga hoarder ng bigas

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Bureau of Customs sa pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang ginagawa nitong raid sa mga warehouse ng bigas sa bansa. Muli na naman kasing nagsagawa ng raid ang customs ngayong umaga sa Bocaue at Balagtas, Bulacan kung saan sinamahan ang mga ito nina House… Continue reading BOC, agad na tumugon sa kautusan ng Pangulo na habulin ang mga hoarder ng bigas

Amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”, inaprubahan ng joint house panel

Inaprubahan ng Joint House Committee on Energy and Nuclear Energy ang panukalang amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”. Sa isinagawang pagdinig ng joint panel, tinalakay ng mga mambabatas ang pinapanukalang amyenda sa section 8 ng House Bill 8218. Ito ay ang pansamantalang koleksyon ng “universal charge”, across the board. Ibig sabihin, madadagdagan… Continue reading Amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”, inaprubahan ng joint house panel

First Lady Liza Araneta-Marcos, dumalo sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Pinaglabanan sa San Juan City

Dumalo si First Lady Louise o “Liza” Araneta – Marcos para pangunahan ang pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Pinaglabanan sa Lungsod ng San Juan ngayong araw. Bahagi ng pagdiriwang ang flag raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa dambana ng Pinaglabanan bilang pag-alala naman sa kabayanihan ng mga Pilipinong lumahok sa Labanan sa San Juan… Continue reading First Lady Liza Araneta-Marcos, dumalo sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Pinaglabanan sa San Juan City