Resolusyon na kikilala sa hakbang ng administrasyon para resolbahin ang isyu sa certificate ng Pinoy seafarers, inihain sa Kamara

Inihain ni Zamboanga 1st district Rep. Khymer Olaso ang isang resolusyon upang kilalanin ang hakbang ng Marcos Jr. administration para ayusin at tumalima sa Standards of Training Certification and Watchkeeping o STCW. Partikular na kinikilala at pinabibigyang papuri sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., DMW Sec. Susan Ople, CHED Chair Prospero De Vera at MARINA… Continue reading Resolusyon na kikilala sa hakbang ng administrasyon para resolbahin ang isyu sa certificate ng Pinoy seafarers, inihain sa Kamara

MMDA at MMC, planong maglagay ng rain catchment system sa mga paaralan at barangay para matugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority at Metro Manila Council na maglagay ng modular rain catchment system sa mga paaralan at barangay bago matapos ang taon. Ito ay bahagi ng hakbang para matugunan ang banta sa krisis sa tubig ngayong panahon ng El Niño. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, makatutulong ito upang… Continue reading MMDA at MMC, planong maglagay ng rain catchment system sa mga paaralan at barangay para matugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig

Mahigit 4.5 milyong indibidwal, naapektuhan ng bagyo at habagat — NDRRMC

Sumampa na sa mahigit 1.2 milyong pamilya o mahigit 4.5 milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Egay at habagat sa bansa. Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa 14 rehiyon. Pansamantala pa ring sumisilong ang 9,087 pamilya o 32,081 indibidwal sa 405 evacuation centers. Nananatili sa… Continue reading Mahigit 4.5 milyong indibidwal, naapektuhan ng bagyo at habagat — NDRRMC

Barangay Development Program, dapat dagdagan ng pondo — Presidential Adviser for Poverty Alleviation

Naniniwala si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon na dapat dagdagan ang pondo ng Barangay Development Program (BDP). Sa regular na pulong-balitaan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) “Tagged: Reloaded” kahapon, sinabi ni Gadon na malaki ang naitulong ng BDP para tugunan ang problema ng kahirapan, na… Continue reading Barangay Development Program, dapat dagdagan ng pondo — Presidential Adviser for Poverty Alleviation

Pagpapadala ng tulong sa mga lugar na sinalanta ni Bagyong Egay, nagpapatuloy — DSWD

Patuloy pa rin ang ginagawang augmentation ng Department of Social Welfare and Development sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo. Ito’y sa kabila ng halos dalawang linggo matapos ang pananalasa ni bagyong Egay. Kahapon, naghatid pa ng family food packs ang DSWD Field Office 1 sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur. Kasabay nito ay patuloy… Continue reading Pagpapadala ng tulong sa mga lugar na sinalanta ni Bagyong Egay, nagpapatuloy — DSWD

QC LGU, gumagawa na ng agarang hakbang sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa lungsod

Naghayag na ng pagkabahala si Mayor Joy Belmonte sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa lungsod. Inatasan na ng alkalde ang health department, sa pamamagitan ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU), na tugunan ang isyu. Sa nakalipas lamang na dalawang linggo, 10 kaso ng leptospirosis ang naitala sa isang araw. Upang pigilan… Continue reading QC LGU, gumagawa na ng agarang hakbang sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa lungsod

Pamamahagi ng cash assistance sa mga pamilyang sinalanta ng bagyo, sinimulan na ng DHSUD

Umarangkada na ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng Department of Human Settlements and Urban Development sa mga pamilyang nawalan ng bahay dulot ni bagyong Egay. Unang pinagkalooban ng tulong pinansiyal ang mahigit 30 pamilya sa Pagudpud, Ilocos Norte. Pinangunahan ni DHSUD-Regional Office 1 Director Richard Venancio Fernando Ziga, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa pakikipagtulungan… Continue reading Pamamahagi ng cash assistance sa mga pamilyang sinalanta ng bagyo, sinimulan na ng DHSUD

Philippine Cannabis Development Authority, ipinapanukala sakaling gawing legal ang cannabis bilang gamot sa mga sakit

Itinutulak ngayon ng isang cannabis advocate sa Kongreso na magtayo ng Philippine Cannabis Development Authority na siyang hahawak sa pag-regulate ng naturang halaman sakaling gawing legal ang paggamit nito. Ayon kay Dr. Rodolfo John Ortiz Trope, National Secretary General ng Timpuyog Pilipinas, hindi dapat isailalim sa Food and Drugs Administration ang Regulatory Power ng cannabis… Continue reading Philippine Cannabis Development Authority, ipinapanukala sakaling gawing legal ang cannabis bilang gamot sa mga sakit

DFA, nagbabala sa mga nagkalat na website na umano’y nag-aayos upang makakuha ng PH e-Visa

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko laban sa mga naglipanang website na umano’y nagpo-proseso para makakakuha ng Philippine e-Visa. Ito ay matapos may kumalat na ulat na may isang website na naglalaman ng misinformation hinggil sa e-Visa at iba pang mga regulasyon ukol dito. Nilinaw ng DFA na tanging sa mga official… Continue reading DFA, nagbabala sa mga nagkalat na website na umano’y nag-aayos upang makakuha ng PH e-Visa

200 dating MILF at MNLF members, pasok sa “clean list” ng PNP recruitment

Pasado sa physical at mental examination ang 200 dating MILF at MNLF members na nag-apply para maging miyembro ng PNP. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ang 200 na nakapasok sa tinatawag na “clean list” ay mula sa 1,000 aplikante na nakapasa sa special eligibility examinations. Sinabi ni Fajardo na kailangan na lang… Continue reading 200 dating MILF at MNLF members, pasok sa “clean list” ng PNP recruitment