Paglala ng air traffic, binigyang pansin ni Transport Secretary Bautista

Dumalo si Transportation Secretary Jaime Bautista bilang keynote speaker sa ikatlong European Union Aviation Safety Agency (EASA) forum na pinangunahan ng Civil Aviation Authority (CAAP). Sa pahayag ng kalihim, binigyang diin nito ang importansya ng sustainable at safe air travel sa kabila ng patuloy na paglala ng air traffic. Base sa datos ng kalihim na… Continue reading Paglala ng air traffic, binigyang pansin ni Transport Secretary Bautista

DMW, pinaiimbestigahan na ang pangyayari sa pagkamatay ng dalawang OFWs sa kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha sa UAE

Binisita ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang ama at kapatid ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jenny Gamboa sa Bacolor, Pampanga. Ito ay upang ipaabot ang suporta at tiyakin ang tulong ng pamahalaan sa mga naulilang pamilya. Si Gamboa ay isa sa tatlong kumpirmadong nasawi sa kasagsagan ng pag-ulan… Continue reading DMW, pinaiimbestigahan na ang pangyayari sa pagkamatay ng dalawang OFWs sa kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha sa UAE

Bagong VISCOM Commander, iniluklok sa pwesto ni Gen. Brawner

Pormal na iniluklok sa pwesto ngayong araw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. bilang bagong Commander ng Visayas Command o VISCOM si Lieutenant General Fernando Reyeg. Sa Joint Change of Command Ceremony sa Bondad Hall, Camp Lapu-Lapu, Cebu City, pinalitan ni Lt. Gen. Reyeg ang dating Acting… Continue reading Bagong VISCOM Commander, iniluklok sa pwesto ni Gen. Brawner

DHSUD, nakipag-alyansa sa business sector

Magtutulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) para sa pagsasakatuparan ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program. Isang Memorandum of Understanding (MOU), ang nilagdaan ni DHSUD Undersecretary Emmanuel Pineda at PCCI President Enunina Mangio para sa pagtutulungan. Binigyang-diin ni DHSUD Usec. Pineda ang… Continue reading DHSUD, nakipag-alyansa sa business sector

BI, sinisiguro ang pagsipa sa sex offenders na magtatangkang pumasok sa bansa

Tiniyak ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na determinado sila na i-ban sa bansa ang sex offenders na nagtatangkang pumasok dito.  Nag-ugat ang pahayag ni Tansingco matapos maharang ng kanyang mga tauham ang isang American Australian National na pidopilya, at may patong-patong na kaso ng sex offenses sa Estados Unidos.  Ayon kay Tansingco,… Continue reading BI, sinisiguro ang pagsipa sa sex offenders na magtatangkang pumasok sa bansa

Labi ng 3 OFWS na nasawi sa pagbaha sa UAE, target na maiuwi sa Pilipinas ngayong linggo – DMW

Pinoproseso na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapauwi sa Pilipinas ng mga labi ng tatlong overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa malawakang pagbaha sa United Arab Emirates (UAE). Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, na isinasaayos na ang mga dokumento para makakuha ng death certificate at… Continue reading Labi ng 3 OFWS na nasawi sa pagbaha sa UAE, target na maiuwi sa Pilipinas ngayong linggo – DMW

Party-list solon, muling nanindigan na suporta sa mga magsasaka ang pinakamainam at pangmatagalang solusyon sa inflation

Patuloy ang panawagan ng isang mambabatas para sa dagdag na tulong at suporta para sa mga magsasaka at mangingisda, upang mapalakas ang kanilang produksyon at tuluyang matugunan ang inflation. Kasunod ito ng inilabas na Administrative Order 20 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na layong padaliin ang proseso at polisiya pagdating sa pag-aangkat ng agricultural… Continue reading Party-list solon, muling nanindigan na suporta sa mga magsasaka ang pinakamainam at pangmatagalang solusyon sa inflation

Mga lider ng Manibela na pasimuno ng kilos protesta laban sa PUV Phase Out Program, kinasuhan ng QCPD

Pormal nang kinasuhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga lider ng grupong Manibela. Kaugnay ito sa umano’y perwisyong idinulot ng kanilang dalawang araw na transport strike sa Quezon City. Ayon sa QCPD, tatlong bilang ng paglabag sa Public Assembly Act, Alarm and Scandal, Resistance and Disobedience, at Direct Assault Upon an Agent of… Continue reading Mga lider ng Manibela na pasimuno ng kilos protesta laban sa PUV Phase Out Program, kinasuhan ng QCPD

Pag-iimbestiga sa sinasabing pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan, ‘di usapin ng racial profiling – Sen. Estrada

Iginiit ni Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada na hindi dapat ituring na ‘racial profiling’ o diskriminasyon ang concern tungkol sa pagdami ng Chinese students sa Cagayan, at ang sinasabing pagbili ng mga ito ng diploma sa isang unibersidad sa naturang probinsya. Ayon kay Estrada, lehitimo ang concern na ito lalo na’t… Continue reading Pag-iimbestiga sa sinasabing pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan, ‘di usapin ng racial profiling – Sen. Estrada

DMW, mahigpit na nakabantay sa sitwasyon matapos ang tumamang ‘twin-quakes’ sa Taiwan kaninang madaling araw

Patuloy na nakabantay sa sitwasyon ang Department of Migrant Workers (DMW) matapos na tumama ang magnitude 6 at 6.3 na lindol sa Hualien County Taiwan, kaninang madaling araw. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Migrant Workers Officer-in-Charge  Hans Leo Cacdac, na sa ngayon wala pang naitatalang mga Pilipino na nasugatan o nasawi dahil sa pagyanig.… Continue reading DMW, mahigpit na nakabantay sa sitwasyon matapos ang tumamang ‘twin-quakes’ sa Taiwan kaninang madaling araw