54% ng mga Pilipino, nagsusuot pa rin ng face masks tuwing lalabas — SWS survey

Malaking porsyento pa rin ng mga Pilipino ang nagsusuot ng face masks kapag lumalabas ng bahay, ayon sa Social Weather Station. Sa pinakahuling SWS Survey, bagamat 91% ng mga Pilipino ang pabor na sa voluntary na pagsusuot ng face masks, 54% pa rin ang nagsabing lagi pa rin silang nagsusuot nito tuwing lumalabas ng bahay.… Continue reading 54% ng mga Pilipino, nagsusuot pa rin ng face masks tuwing lalabas — SWS survey

Rep. Arnie Teves, iginiit na di maituturing na disorderly behavior ang di pag-uwi ng Pilipinas dahil sa banta sa kaniyang buhay

Iginiit ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na hindi sapat na batayan ang kaniyang hindi pag-uwi sa Pilipinas sa kabila ng kawalan ng travel authority para patawan siya ng suspensyon dahil sa disorderly behavior. Sa pamamagitan ng legal counsel nito, isang liham ang ipinadala sa House Committee on Ethics and Privileges upang i-apela… Continue reading Rep. Arnie Teves, iginiit na di maituturing na disorderly behavior ang di pag-uwi ng Pilipinas dahil sa banta sa kaniyang buhay

₱10K na economic relief para sa lahat ng pamilyang Pilipino, ipinapanukala

Muling itinutulak sa Kamara ang pagbibigay ng ₱10,000 na tulong pinansyal sa kada pamilyang Pilipino. Sa ilalim ng House Bill 7698 o “Sampung Libong Pag-asa Law” ni Taguig-Pateros 1st District Representative Ricardo Cruz Jr., ang kada pamilyang Pinoy na nangangailangan ng “assistance” ay tatanggap ng “one-time cash aid” na ₱10,000. Ang DSWD ang mangunguna sa… Continue reading ₱10K na economic relief para sa lahat ng pamilyang Pilipino, ipinapanukala

Nasa ₱3.4-M na hinihinalang shabu, nasabat sa 2 high value individuals sa Antipolo City

Kalaboso ang dalawang high value individuals na umano’y mga tulak ng iligal na droga sa Antipolo City, Rizal. Kinilala ang mga suspect na sina Frenlie Paolo Valledor at Ailyn Daep na pawang mga residente ng lungsod. Nasabat sa kanila ang 500 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱3.4-million pesos. Nahaharap sina Valledor at Daep… Continue reading Nasa ₱3.4-M na hinihinalang shabu, nasabat sa 2 high value individuals sa Antipolo City

Isang Chinese national, arestado sa Taguig City dahil sa panunuhol sa pulis

Arestado ang isang Chinese national na nagtangkang suhulan ang mga pulis sa Taguig City. Kinilala ng Taguig City Police Station ang suspect na si Bin Li na nagtatrabaho bilang sales manager. Ayon sa Pulisya, nagtungo si Li sa Fort Bonifacio Police Substation para sunduin ang kaibigan na nakakulong dahil sa iligal na droga. Nag-alok ito… Continue reading Isang Chinese national, arestado sa Taguig City dahil sa panunuhol sa pulis

Hepe ng QCPD Crime Investigation & Detection Unit, inirerekomenda ng QC PLEB na sibakin sa pwesto

Pinasisibak sa pwesto ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) of Quezon City ang hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Crime Investigation and Detection Unit matapos umano pagtakpan ang katotohanan sa likod ng insidente ng hit-and-run na ikinamatay ng isang tricycle driver noong nakaraang taon. Sa 19-page decision na inilabas ng PLEB, pinadi-dismiss si Police… Continue reading Hepe ng QCPD Crime Investigation & Detection Unit, inirerekomenda ng QC PLEB na sibakin sa pwesto

Skilled workers na makakasama sa pagtatayo ng ‘Pabahay Pilipino Program,’ hiniling ng DOLE sa TESDA

Pinaghahanda ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng maraming skilled workers na makakatulong ng gobyerno sa pagtatayo ng “Pabahay para sa pamilyag pilipino program.” Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, kailangan ang suporta ng TESDA lalo na ang nasa regional offices upang makalikha ng maraming manggagawa… Continue reading Skilled workers na makakasama sa pagtatayo ng ‘Pabahay Pilipino Program,’ hiniling ng DOLE sa TESDA

Pagtutol ng ilan sa malalaking business group, sapat nang dahilan para di ituloy ang Cha-Cha — isang mambabatas

Mas lalong hindi na dapat ituloy ang pagsusulong ng charter change matapos tutulan ng anim na malalaking business group ang panukalang amyenda sa 1987 Constitution. Ayon kay Albay 1st District Representative Edcel Lagman, kaisa niya sa paniniwala ang business groups na hindi napapanahon ang cha-cha sa gitna ng kinakaharap na problema ng bansa sa kahirapan,… Continue reading Pagtutol ng ilan sa malalaking business group, sapat nang dahilan para di ituloy ang Cha-Cha — isang mambabatas

Benepisyo sa pamilya ng pinaslang na Chief of Police ng San Miguel, Bulacan, tiniyak ng PNP

Tiniyak ni Police Regional Office (PRO) 3 Regional Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr. na lahat ng kaukulang benepisyo ay matatanggap ng pamilya ni San Miguel, Bulacan Chief of Police Lieutenant Colonel Marlon Serna, na nasawi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Kasabay nito, inatasan ni Brig. Gen. Hidalgo si Bulacan Provincial Director Police Col.… Continue reading Benepisyo sa pamilya ng pinaslang na Chief of Police ng San Miguel, Bulacan, tiniyak ng PNP

Mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Salaknib Exercise, nagbigay ng dugo

Aktibong nakibahagi ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo na kalahok sa SALAKNIB Joint military exercise sa isang blood-letting activity sa Army Artillery Regiment (AAR) headquarters sa Fort Magsaysay Nueva Ecija. Ang blood-letting Drive na isinagawa ng Philippine Army at GMA Kapuso Foundation ay nakalikom ng 435 blood bags mula sa 687 na donors. Bukod sa… Continue reading Mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Salaknib Exercise, nagbigay ng dugo