Commitment sa Freedom of Navigation, tiniyak ng national security advisers ng Pilipinas, US at Japan

Nag-usap kahapon sa telepono sina National Security Advisor Eduardo Año, US National Security Advisor Jake Sullivan, at Japanese National Security Advisor Akiba Takeo. Dito’y tiniyak ng tatlong opisyal ang commitment ng kani-kanilang mga bansa sa freedom of navigation at international law sa West Philippine Sea (South China Sea) at East China Sea; at pagtataguyod ng… Continue reading Commitment sa Freedom of Navigation, tiniyak ng national security advisers ng Pilipinas, US at Japan

Torotot, laruan at iba’t ibang pampaingay, patok sa Divisoria

Bumabaha ngayon ang bentang torotot sa shopping centers sa lungsod ng Maynila. Sa Divisoria, kaliwa’t kanan ang mga nagbebenta ng mga pampaingay kung saan nagkakahalaga ang mga ito ng P25 depende sa laki. Ayon kay Tina, isang tindera ng torotot, isa itong magandang alternatibo para sa mga paputok ngayong pagsalubong sa Bagong Taon. Matatandaan naman… Continue reading Torotot, laruan at iba’t ibang pampaingay, patok sa Divisoria

PNP SOSIA, binalaan ang mga security guard na masasangkot sa indiscriminate firing

Nagbabala ngayon ang PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa lahat ng mga security guards na masasangkot sa indiscriminate firing ngayong holiday season. Batay sa memorandum na pirmado ni SOSIA Acting Chief Police Brigadier General Gregory Bogñalbal, pinaalalahanan ang mga private security personnel sa bansa na i-obserba ang safety protocols sa paghawak… Continue reading PNP SOSIA, binalaan ang mga security guard na masasangkot sa indiscriminate firing

Manila LGU, nanatiling tutok sa transport stirke; tigil-pasada, hindi pa rin ramdam sa lungsod ng Maynila

Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Maynila na tuloy ang kanilang pag-alalay sa mga posibleng ma-stranded dahil sa ikinasang tigil-pasada ng grupong PISTON. Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna, nakatutok aniya ang buong pwersa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila gaya ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB, Manila Disaster Risk Reduction… Continue reading Manila LGU, nanatiling tutok sa transport stirke; tigil-pasada, hindi pa rin ramdam sa lungsod ng Maynila

Ika-18 batch ng OFWs mula sa Lebanon, nakabalik na sa Pilipinas

Nakabalik na sa Pilipinas ang nasa 18 Pilipino na naipit sa gulo sa pagitan ng Israeli Forces at ng Lebanese Militant Group na Hezbollah. Sakay ito ng Qatar Airways flight QR932 mula sa Doha na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) alas-4:11 ng hapon kahapon. Personal na sinalubong sila ni Assistant Secretary Felecitas Bay… Continue reading Ika-18 batch ng OFWs mula sa Lebanon, nakabalik na sa Pilipinas

Truck ban sa Valenzuela, palalawigin sa Dec. 16

Nag-abiso na ngayon ang Valenzuela LGU sa ipatutupad na extended truck ban hours sa lungsod sa darating na Sabado, December 16. Ito ay upang magbigay daan sa gaganaping 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars na daraan sa CAMANAVA. Sa inilabas na traffic advisory ng LGU, paiiralin ang extended truck ban hours sa… Continue reading Truck ban sa Valenzuela, palalawigin sa Dec. 16

Malabon LGU, may libreng sakay para sa mga maapektuhan ng transport strike

Nakaagapay ang pamahalaang lungsod ng Malabon para sa mga pasaherong maaapektuhan ng transport strike ng grupong PISTON simula ngayong Huwebes, December 14-15. Ayon sa Malabon LGU, bilang tugon sa tigil-pasada ay nag-deploy na ito simula kaninang alas-5 ng umaga ng mga rescue vehicle paramagbigay ng libreng sakay. Kabilang rito ang anim na sasakyan ng LGU… Continue reading Malabon LGU, may libreng sakay para sa mga maapektuhan ng transport strike

Caloocan LGU, muling tumanggap ng Seal of Good Local Governance

Sa ikapitong pagkakataon, muling napabilang ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa mga LGU na ginawaran ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Ito ay bilang patunay sa husay na ipinakita ng LGU sa nagdaang taon sa iba’t ibang larangan ng pamumunong lokal. Personal na tinanggap ni… Continue reading Caloocan LGU, muling tumanggap ng Seal of Good Local Governance

Kamara, natapos na ang 17 SONA priority measure ni Pres. Marcos Jr.

Sa pagsasara ng sesyon ng Kamara para sa kanilang Christmas break ay ibinida ni Speaker Martin Romualdez na napagtibay na ng Kapulungan ang lahat ng 17 SONA priority measure ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Maliban dito, nasa 20 Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) measures na rin aniya ang kanilang naaprubahan hanggang nitong Setyembre o… Continue reading Kamara, natapos na ang 17 SONA priority measure ni Pres. Marcos Jr.

Kamara, mananatiling abala kahit naka-break ang sesyon; panukalang charter change, seryosong aaralin

Sa kabila ng Christmas break ng Kongreso ay magiging abala pa rin ang Kamara. Tututukan kasi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-aaral sa mga panukalang amyendahan ang Konstitusyon. Sa kaniyang closing speech, sa pagsasara ng sesyon sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na aaralin nila ngayong Christmas break ang pag-amyenda sa economic provisions ng… Continue reading Kamara, mananatiling abala kahit naka-break ang sesyon; panukalang charter change, seryosong aaralin