DA, inalerto na ang mga magsasaka at mangingisda sa magiging epekto ng Bagyong #NikaPH

Dahil sa pagpasok ng Severe Tropical Storm #NikaPH,inalerto na ng Department of Agriculture (DA) ang mga posibleng maapektuhang magsasaka at mangingisda. Pinapayuhan sila ng DA na anihin na ang mga mature crops at ilagay sa ligtas na lugar ang mga buto at binhi, planting materials at iba pang farm inputs. Kailangan din nilang magtabi ng… Continue reading DA, inalerto na ang mga magsasaka at mangingisda sa magiging epekto ng Bagyong #NikaPH

DSWD, nag-deploy ng Mobile Command Centers sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong #MarcePH

Nag-deploy ng Mobile Command Centers ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Ilocos Region; Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR). Layon nito na palakasin pa ang mga operasyon ng ahensya pagkatapos ng pananalanta ng Bagyong #MarcePH, partikular sa mga lubhang naapektuhang komunidad. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, tungkulin ng Mobile… Continue reading DSWD, nag-deploy ng Mobile Command Centers sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong #MarcePH

Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nag- isyu ng Administrative Order para sa one time rice assistance ng mga military at uniformed personnel para sa taong ito

Inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 26 na nagtatakda ng one time rice assistance ng mga military at uniformed personnel para sa taong ito. Nangangahulugan na bukod sa mga sundalo ay saklaw din ng inilabas na Administrative Order ang mga taga Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP),… Continue reading Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nag- isyu ng Administrative Order para sa one time rice assistance ng mga military at uniformed personnel para sa taong ito

GCash, tinutugunan ang system reconciliation; tiniyak na ligtas ang accounts ng mga customer

Ilang GCash users ang apektado ng errors sa isinasagawang system reconciliation process. Ayon sa GCash, ang insidente ay isolated sa ilang users, at tinitiyak nila sa kanilang mga customer na ligtas ang kanilang mga account. “We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing,” pahayag ng GCash.

Seatrade Cruise Asia 2024, nakatakdang isagawa sa bansa ngayong buwan

Ikakasa sa darating na Nobyembre 11 hanggang 13 sa Shangri-La The Fort, Taguig City, ang pagho-host ng Pilipinas ng Seatrade Cruise Asia 2024 na pangungunahan ng Department of Tourism (DOT). Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, ang kaganapang ito ay magbibigay-daan upang mas mapalakas ang posisyon ng Pilipinas bilang prime cruise destination sa Asya.… Continue reading Seatrade Cruise Asia 2024, nakatakdang isagawa sa bansa ngayong buwan

Publiko, pinaghahanda sa posibleng sabay na epekto ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon at bagyo— OCD

Hindi isinasantabi ng Office of Civil Defense (OCD)ang posibleng magsabay ang epekto ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon at ang pananalasa ng bagyo. Dahil dito, pinaghahanda ng OCD ang publiko sa “worst-case scenario” kung sakaling mangyari man ito. Inatasan na ni Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno ang OCD Western Visayas na pabilisin ang mga paghahanda upang… Continue reading Publiko, pinaghahanda sa posibleng sabay na epekto ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon at bagyo— OCD

LRT-1 Cavite Extension Phase 1, nakakasa nang buksan ngayong buwan

Nakakasa nang buksan sa publiko ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 ngayong buwan ng Nobyembre 2024 matapos itong kumpirmahin ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa isang press briefing kasama ang Department of Transportation (DOTr) sa Malacañang nitong nagdaang linggo. Ang proyekto ng LRT-1 Cavite Extension ay bahagi ng Public-Private Partnership na inaasahang magpapabilis ng… Continue reading LRT-1 Cavite Extension Phase 1, nakakasa nang buksan ngayong buwan

Alkalde ng Pasig City, pinagpapaliwanag kaugnay sa ‘di umano’y troll farm

Hinamon ng dating City Councilor na si Atty. Ian Sia si Pasig City Mayor Vico Sotto na ipaliwanag ang nabunyag kamakailan na isa sa mga tauhan nito ang nagmamantini ng troll army. Ayon kay Sia, posibleng ang Executive Assistant sa Office ng City Administrator na si Maurice Mikkelsen Philippe Camposano ang responsable sa paninira sa… Continue reading Alkalde ng Pasig City, pinagpapaliwanag kaugnay sa ‘di umano’y troll farm

DSWD at PCG, maghahatid ng karagdagan pang family food packs sa Batanes ngayong umaga

Magpapadala pa ng family food packs sa Basco, Batanes ngayong umaga ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Aabot sa 8,000 food packs ang ihahatid sakay ng BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard. Nilalayon nito na mapalakas ang disaster response ng ahensya sa Island Province. Asahang darating sa lalawigan ang tulong sa Nobyembre… Continue reading DSWD at PCG, maghahatid ng karagdagan pang family food packs sa Batanes ngayong umaga

DOH, nagbabala kontra ‘fake news’ ukol sa pinagmulan at paggamot sa COVID-19

Inilabas ng Department of Health (DOH) ang isang advisory upang balaan ang publiko laban sa kumakalat na maling impormasyon tungkol sa pinagmulan at pamamaraan sa paggamot ng COVID-19. Ayon sa DOH, may mga pahayag na nagsasabing natuklasan umano ng Singapore na ang COVID-19 ay hindi isang virus kundi isang bacteria na nalantad sa radiation at… Continue reading DOH, nagbabala kontra ‘fake news’ ukol sa pinagmulan at paggamot sa COVID-19