PNP, naka-antabay na para sa pagsasagawa ng Search and Rescue kaugnay ng bagyong Marce

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan sa pagresponde sa mga mangangailangan ng tulong bunsod ng pananalasa ng bagyong Marce. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen Jean Fajardo, naka-stand by na ang kanilang Search and Rescue Teams. Gagamitin ito sa paglilikas ng mga residente sa mga delikadong lugar sa… Continue reading PNP, naka-antabay na para sa pagsasagawa ng Search and Rescue kaugnay ng bagyong Marce

Pagsasabatas ng Enterprise-based Education and Training, makatutulong para mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho

Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Enterprise-based Education and Training o EBET Law. Giit niya, sa batas na ito ay magkatuwang ang pamahalaan at pribadong sektor sa pagtugon sa kawalan ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng training at up-skilling programs. “As I have always declared, as… Continue reading Pagsasabatas ng Enterprise-based Education and Training, makatutulong para mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho

NGCP, agad kumilos para isaayos ang mga nasirang transmission line sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Marce

Agad kumilos ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para isaayos ang mga nasirang transmission lines partikular na sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Marce. Ayon sa NGCP, nagkasa na ng pagpapatrolya ang kanilang mga tauhan para magsagawa ng sabayang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga lugar na ligtas nang pasukin.… Continue reading NGCP, agad kumilos para isaayos ang mga nasirang transmission line sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Marce

Judge ng Antipolo City RTC, pinagmulta ng SC dahil sa 7 taon na di nadesisyunan na hawak niyang kaso

Pinagmumulta ng Supreme Court ang isang huwes sa Antipolo City Regional Trial Court dahil sa kabiguan nito na resolbahin ang hawak niyang kaso sa loob ng pitong taon.  Sa desisyon ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Henry Pual John Inteng, “Guilty” sa kasong Gross Neglect of Duty si Antipolo City RTC Branch 99… Continue reading Judge ng Antipolo City RTC, pinagmulta ng SC dahil sa 7 taon na di nadesisyunan na hawak niyang kaso

Pagkilos ng bagyong Marce sa hilagang Luzon, mahigpit na tinututukan

Nakaantabay na ang Inter-Agency Coordinating Cell (IACC) sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa pagtugon nito sa epekto ng bagyong Marce. Ito’y habang inaantabayanan ang paglabas ng bagyo na kasalukuyang nasa coastal waters ng Ilocos Norte batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA. Ayon kay NDRRMC Chairperson at Defense Secretary… Continue reading Pagkilos ng bagyong Marce sa hilagang Luzon, mahigpit na tinututukan

Sapat na budget para sa mga kalamidad, tiniyak ng DBM

Nilinaw ni Budget Secretary Aminah Pangandaman na mayroon pang budget na magagamit ang bansa sakaling may mga sumunod pang kalamidad.  Ang paglilinaw ay ginawa ng kalihim matapos umanong ma-misinterpret ng ilang kritiko ng gobyerno na naubos na ang pondo para sa kalamidad.  Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na mga bagyo at EL Niño… Continue reading Sapat na budget para sa mga kalamidad, tiniyak ng DBM

P339-M halaga ng tulong, ipinamahagi ng DSWD sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol Region

Umabot na sa P339 milyon ang kabuuang tulong na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol Region. Ayon kay DSWD Field Office 5 Regional Director Norman Laurio, nakapagbigay na sila ng family food packs at iba pang tulong sa mahigit 460,000 na mga pamilya sa… Continue reading P339-M halaga ng tulong, ipinamahagi ng DSWD sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol Region

Dating PNP official, muling inilahad ang pagbalewala ng intelligence report sa iligal na droga

Muling isiniwalat ni dating Philippine National Police (PNP) Police Colonel Eduardo Acierto ang pagbalewala ng nakaraang administrasyon sa kanyang anti-illegal drugs intelligence report. Sa kanyang pagdalo sa 10th House Quad Committee hearing via zoom, kung saan iniimbestigahan in aid of legislation ang issue ng war on drugs at extra judicial killings, muling inilahad ni Acierto… Continue reading Dating PNP official, muling inilahad ang pagbalewala ng intelligence report sa iligal na droga

Transmission line sa Lallo, Sta. Ana Cagayan, apektado ng bagyong Marce — NGCP

Hindi gumagana ngayon ang Lallo-Sta. Ana 69-kilovolt line sa Cagayan dahil sa epekto ng bagyong Marce. Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ayon sa NGCP, ito ay naganap bandang alas-9:24 ng umaga ngayong araw. Dahil dito, walang suplay ng kuryente sa CAGELCO II. Kasalukuyan nang ipinadala ng NGCP… Continue reading Transmission line sa Lallo, Sta. Ana Cagayan, apektado ng bagyong Marce — NGCP

MMDA, nilinaw na di itinago ang CCTV footage ng SUV na may protocol plate na ‘7’ na dumaan sa EDSA busway

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi nila itinago ang CCTV footage ng SUV na may protocol plate na ‘7’ na pumasok sa EDSA busway, noong November 3. Ito ay dahil sa mga alegasyon na itinago umano ng MMDA ang CCTV footages at kinuwestyon kung bakit hindi nila hinahabol ang mga sinasabing VIP… Continue reading MMDA, nilinaw na di itinago ang CCTV footage ng SUV na may protocol plate na ‘7’ na dumaan sa EDSA busway