Dagdag pondo sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan ng bansa, tiniyak sa ilalim ng Senate version ng panukalang 2025 nat’l budget

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Senator Grace Poe na paglalaanan ng sapat na pondo ang pagpapanatili ng national security ng Pilipinas sa ilalim ng kanilang bersyon ng panukalang 2025 national budget. Matapos ang naging kontrobersiya kay dismissed Mayor Alice Guo, pinaglaanan ng pondo ng Senado ang Automated Biometrics Identification System ng Bureau of… Continue reading Dagdag pondo sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan ng bansa, tiniyak sa ilalim ng Senate version ng panukalang 2025 nat’l budget

DOTr, hinimok ang mga Italian investor na mamuhunan sa mga transportation project ng Pilipinas

Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang mga Italian investor na mamuhunan sa mga malalaking proyekto sa transportasyon ng bansa. Sa kanyang talumpati sa ASEAN-Italy Economic Relations, binigyang-diin ni Secretary Bautista ang potensyal ng mga big ticket transportation projects ng pamahalaan. Sinabi rin ni Bautista na nakatuon ang ahensya sa pagsasagawa ng mga proyekto sa… Continue reading DOTr, hinimok ang mga Italian investor na mamuhunan sa mga transportation project ng Pilipinas

3 indibidwal na nagpapanggap na kinatawan ng lehitimong recruitment agency, sasampahan ng kaso ng DMW

Sasampahan ng kaso ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tatlong indibidwal na sangkot sa panloloko ng 42 mga Pilipino. Ito ang inihayag ni DMW Undersecretary Bernard Olalia sa pulong balitaan sa Mandaluyong City. Ayon kay Usec. Olalia, ang tatlo ay nagpanggap na kinatawan ng license recruitment agency upang mag-alok ng pekeng trabaho sa ibang… Continue reading 3 indibidwal na nagpapanggap na kinatawan ng lehitimong recruitment agency, sasampahan ng kaso ng DMW

Philippine Navy, pinangunahan ang ‘Abot Tulong sa Batanes’ relief operation

Pinangunahan ng Task Group “Abot Tulong sa Batanes” ng Naval Forces Northern Luzon ang relief efforts ng Philippine Navy upang magbigay ng tulong sa mga Ivatan na naapektuhan ng mga bagyong Julian, Kristine, at Leon. Sa pakikipagtulungan sa Office of Civil Defense (OCD), Northern Luzon Command (NOLCOM), at Naval Forces Northern Luzon (NFNL), naglunsad ang… Continue reading Philippine Navy, pinangunahan ang ‘Abot Tulong sa Batanes’ relief operation

DepEd, nanindigan sa patas at transparent na proseso ng bidding para sa mga proyekto ng kagawaran

Sa patuloy na pagpapanatili ng transparency at accountability, binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang pangako ng Department of Education (DepEd), na gawing patas at bukas sa publiko ang lahat ng proseso ng procurement at bidding. Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 61, series of 2024, tiniyak ng ahensya na ang mga bidding activity ay… Continue reading DepEd, nanindigan sa patas at transparent na proseso ng bidding para sa mga proyekto ng kagawaran

Environmental Group at ilang residente ng Taguig, umapela sa mga kumakandidato sa kanilang lungsod na maging responsable

Umani ng batikos mula sa mga netizen at environmental groups ang tila maagang pangangampanya ng kampo ni dating Taguig City Mayor Lino Cayetano. Partikular na rito ang pagkakabit ng mga tarpaulin sa mga puno sa lungsod, na mahigpit na ipinagbabawal salig sa RA 3571. Makikita sa mga tarpaulin ang mga katagang “LABAN LINO” na nagpapahatid… Continue reading Environmental Group at ilang residente ng Taguig, umapela sa mga kumakandidato sa kanilang lungsod na maging responsable

P1.3-B budget cut ng Office of the Vice President sa Senado, pinuri

Pinuri ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Representative Zaldy Co ang desisyon ng Senado na panatilihin ang P1.3 bilyong bawas sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP). Ayon kay Rep. Co, ipinakita ng mga Senador ang kanilang paninindigan bilang malayang sangay na sumusuporta sa posisyon ng Kamara na una… Continue reading P1.3-B budget cut ng Office of the Vice President sa Senado, pinuri

Deadline sa pagtanggap ng aplikasyon para makasali  sa Christmas Bazaar, hanggang bukas na lang –Navotas  LGU

Tumatanggap pa ng aplikasyon ang Navotas Hanapbuhay Center para sa mga Small and Medium Enterprises (SMEs) na gustong sumali  sa taunang Christmas Bazaar sa Lungsod ng Navotas. Sa abiso ng Navotas City Government, gagawin ang Christmas bazaar sa Navotas City Walk and Amphitheater mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 22. Dahil sa limitado lamang ang espasyo,… Continue reading Deadline sa pagtanggap ng aplikasyon para makasali  sa Christmas Bazaar, hanggang bukas na lang –Navotas  LGU

Panibagong kaso ng MPOX, naitala sa Quezon City

Isa na namang panibagong kaso ng MPOX ang naitala ng Quezon City Government. Ang ika anim na pasyente na nagpositibo sa MPOX ay isang 31-taong gulang na lalaki at residente ng lungsod. Naramdaman nito ang sintomas ng MPOX noong Oktubre 18, 2024. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Division, bumisita ang pasyente sa Fahrenheit Club (F… Continue reading Panibagong kaso ng MPOX, naitala sa Quezon City

P15 million halaga ng iba’t ibang uri ng droga, nasabat sa QC

Nasa mahigit P15 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng illegal drugs ang nasabat ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod. Kasabay nito ang pagkaaresto sa anim na drug suspects na sina Arlene Ann Goco; Lia Lauren Llige; Daryl Sarona; Jerome Palacios; Terence Concepcion at Mohammad Villar Dana. Ayon kay… Continue reading P15 million halaga ng iba’t ibang uri ng droga, nasabat sa QC