Live-fire exercise, isinagawa ng Phil. at US Army Pacific sa Capas, Tarlac

Nagsagawa ng platoon live-fire exercise ang Philippine Army at US Army Pacific sa Camp Ernesto Rabina Air Base, Capas, Tarlac bilang bahagi ng Balikatan 38 – 2023. Kalahok sa ehersiyo ang mga tropa ng 99th Infantry Battalion, 7th Infantry Division at 51st Engineer Brigade ng Philippine Army at tatlong platoon ng mga Amerikanong sundalo. Kabilang… Continue reading Live-fire exercise, isinagawa ng Phil. at US Army Pacific sa Capas, Tarlac

Pagkakalatbng fake news ni Kabataan Parti-list Rep. Raoul Manuel, pinaiimbestigahan ng NTF-ELCAC

Nanawagan ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa House Ethics Committee na imbestigahan si Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel dahil sa umano’y pagkakalat ng fake news. Tinukoy ng NTF-ELCAC ang social media post ni Manuel noong April 7, na nagsabing pwersahang inilikas ng militar ang mga residente ng ilang… Continue reading Pagkakalatbng fake news ni Kabataan Parti-list Rep. Raoul Manuel, pinaiimbestigahan ng NTF-ELCAC

Ex-QC Mayor Herbert Bautista at ex-QC administrator, sinampahan ng kasong graft sa Sandiganbayan

Nahaharap ngayon sa panibagong kaso ng katiwalian sa Sandiganbayan si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at Ex-QC Administrator Aldrin Cuña. Isinampa ang dalawang bilang ng graft laban sa dating QC officials kaugnay sa maanomalyang mga proyekto na nagkakahalaga ng P57-M. Kabilang rito ang P25-M kontrata sa Cygnet Energy and Power Asia para sa solar… Continue reading Ex-QC Mayor Herbert Bautista at ex-QC administrator, sinampahan ng kasong graft sa Sandiganbayan

May-ari ng lokal na radio station sa Albay. humihingi ng hustisya matapos ipatigil ang kanilang operasyon

Umaapela sa National Telecommunications Commission ang may-ari ng Zagitsit FM Radio station sa Albay na payagan silang mag-broadcast matapos itong ipasara kamakalawa. Sa isang interview, sinabi ni Mr. Jun Alegre, Chief Executive Officer ng Zagitsit FM Radio Station, ito na ang ikalawang pagkakataon na sila ay ipinasara ng NTC. Base sa cease and desist order… Continue reading May-ari ng lokal na radio station sa Albay. humihingi ng hustisya matapos ipatigil ang kanilang operasyon

Iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Labor Day, inilatag ng DOLE

Inilatag na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang iba’t ibang aktibidad sa paggunita ng “Labor Day 2023.” Ayon sa DOLE, ang tema ng ika-121 taon ng Araw ng Paggawa sa bansa ay “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino.” Ayon sa Kagawaran, kabilang sa mga aktibidad ay… Continue reading Iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Labor Day, inilatag ng DOLE

Regulasyon sa paluwagan, ipinapanukala

Isang panukala ang inihain sa Kamara na layong i-regulate ang operasyon ng community microfinance group o paluwagan. Sa ilalim ng House Bill 7757 o Community Paluwagan Microfinance Act nina Manila Teachers Party-list Rep. Virgilio Lacson at SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta, magtatatag ng isang independent agency na siyang mamamahala sa paluwagan. Pangunahing magiging mandato ng… Continue reading Regulasyon sa paluwagan, ipinapanukala

₱300-M , inilaan sa dagdag pagsasanay ng mga pulis

Nakatanggap ang Philippine National Police ng 300 milyong piso mula sa pamahalaan para sa pagsasanay ng mga pulis. Ang naturang halaga ay pinondohan ng Special Provision No. 11 ng General Appropriations Act of Fiscal Year 2023. Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang halagang ito ay gagamitin para mapahusay ang law enforcement… Continue reading ₱300-M , inilaan sa dagdag pagsasanay ng mga pulis

Libo-libong pasahero, stranded dahil sa Bagyong Amang

Pumalo sa mahigit 3,000 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan base na rin sa pinakahuling monitoring data ng Philippine Coast Guard bunsod ng Tropical Depression Amang. Ayon sa PCG, nasa 3,614 ang mga pasaherong hindi pa makabiyahe mula sa mga rehiyon ng Eastern Visayas, Southern Tagalog at Bicol. Kabilang anila dito ang nasa 593… Continue reading Libo-libong pasahero, stranded dahil sa Bagyong Amang

Deadline sa paghahain ng ITR, wala nang extension — BIR

Hindi na palalawigin ng Bureau of Internal Revenue ang orihinal na deadline nito para sa paghahain ng 2022 Annual Income Tax Return (AITR) at pagbabayad ng buwis sa April 17, 2023. Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., ilang hakbang na ang kanilang ipinatupad para mas mapadali at mapabilis ang serbisyo sa mga taxpayer.… Continue reading Deadline sa paghahain ng ITR, wala nang extension — BIR

Bangkay, narekober ng PCG sa karagatan ng Basilan

Nakarekober ang Philippine Coast Guard o PCG at Hadji Mohammad Ajul MDRRMO ng isang bangkay mula sa karagatang sakop ng Barangay Sulutan Matangal, Hadji Mohammad Ajul, sa Basilan. Ayon sa PCG, narekober ang naturang bangkay kahapon, at kinuha ng MDRRMO para sa angkop na identification at proper disposition. Sinabi ng PCG, inaalam pa ng mga… Continue reading Bangkay, narekober ng PCG sa karagatan ng Basilan