DILG at Union of Local Authorities of the Philippines, magtutulungan sa implementasyon ng EO-41

Nakipagpulong si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga opisyal ng Union of Local Authorities of Philippines (ULAP) para sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) 41 alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Inilabas nitong nakaraang linggo ang Executive Order 41 na nagsususpinde sa paniningil o… Continue reading DILG at Union of Local Authorities of the Philippines, magtutulungan sa implementasyon ng EO-41

Binuong task force ng DMW vs. investment scam, pinuri ng isang mambabatas

Welcome para kay OFW Party-list Representative Marissa Magsino ang pagbuo ng Department of Migrant Workers (DMW) ng isang task force na tututok laban sa investment scams na bumibiktima lalo na sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Aniya mahalagang hakbang ito para protektahan ang financial interest ng mga OFW. “I commend the Department of Migrant Workers… Continue reading Binuong task force ng DMW vs. investment scam, pinuri ng isang mambabatas

2025 National and Local Elections, mas magiging mahigpit — COMELEC

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na mas dodoblehin nila ang paghihigpit  sa halalan pagsapit ng 2025.  Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, mas makukulit at makakapal ang mukha ng mga nasa ational at local elections kaya kailangan doble higpit ang kanilang gagawing pagbabantay.  Paliwanag ni Garcia ang kanilang ginagawa ay para sa taumbyan… Continue reading 2025 National and Local Elections, mas magiging mahigpit — COMELEC

Pagbubukas ng Kasanggayahan Festival sa Sorsogon, pinasinayahan na

Opisyal nang binuksan ang selebrasyon ng Kasanggayahan Festival sa lalawigan ng Sorsogon. Sinimulan ito sa pamamagitan ng isang mahabang Unity at Civic Parade na dinaluhan ng mga kawani ng pamahalaan, organisasyon, ilang ahensya at marami pang-iba. Naging panauhing pandangal is Senator Francis Tolentino at Department of Tourism Secretary Christina Frasco. Gayundin, kasama ang mga regional… Continue reading Pagbubukas ng Kasanggayahan Festival sa Sorsogon, pinasinayahan na

US at PH Navy, nagsagawa ng joint Maritime Exercise Concert sa Legazpi City

Bilang bahagi ng kasalukuyang nagaganap na joint maritime exercise ng Philippine at US Navy o SAMASAMA 2023 sa buong bansa, matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na konsyerto sa Legazpi Albay kung saan tampok ang mga banda mula sa US at Philippine Navy. Nagtanghal ang Philippine Navy Seabees Ban tampok ang mga Original Pilipino Music… Continue reading US at PH Navy, nagsagawa ng joint Maritime Exercise Concert sa Legazpi City

Agricultural infrastructure gaya ng silos, nakikitang solusyon para sa pangmatagalang rice supply stability ng bansa

Patuloy na hinahanapan ng paraan ng pamahalaan kung paano makakamit ang pangmatagalan at sapat na suplay ng bigas sa bansa. Bunsod nito, nagkaroon ng dayalogo ang House leaders sa mga opisyal ng Nueva Ecija na siyang Rice Granary of the Philippines. Dito ibinahagi ni Governor Aurelio Umali ang ilan sa kanilang best practices gaya ng… Continue reading Agricultural infrastructure gaya ng silos, nakikitang solusyon para sa pangmatagalang rice supply stability ng bansa

Pagudpud, Ilocos Norte, magkakaroon na ng produktong kape sa susunod na taon

Kinumpirma ni Tribal Chieftain Emilio Rabago ng Saguigui Tribal Council na umaabot na sa 100 libong mga kape ang nakatanim at namumunga na sa Brgy. Saguigui ng bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte. Paliwanag nito na ngayong taon ang unang beses na namunga na ang mga kapeng Liberica, at Excelsa na pawang nabubuhay sa low land… Continue reading Pagudpud, Ilocos Norte, magkakaroon na ng produktong kape sa susunod na taon

Fare matrix, di na kailangan sa pagpapatupad ng ₱1 dagdag-pasahe sa jeep — LTFRB

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na kailangan ng mga operator at tsuper na magpaskil ng fare matrix o taripa sa pagpapatupad ng taas-pasahe sa pampasaherong jeepney. Ayon sa LTFRB, maaari nang maningil agad ng pisong dagdag-pasahe ang mga driver dahil ang inaprubahang taas-pasahe ay provisional o pansamantala lamang. Ibig… Continue reading Fare matrix, di na kailangan sa pagpapatupad ng ₱1 dagdag-pasahe sa jeep — LTFRB

Taas-pasahe sa jeep, di pa naipatutupad ng ilang mga tsuper sa West Ave, QC

Hindi pa nakakapaningil ng ₱1 taas-pasahe ang mga jeepney driver na may byaheng Delta sa West Avenue, Quezon City. Sa panayam sa RP1 team, sinabi ng mga tsuper na kahit naaprubahan na ay nag-aalangan pa silang ipatupad ito dahil wala pa silang hawak na taripa o fare matrix. Ayon din kay Mang Emmanuel, jeepney driver,… Continue reading Taas-pasahe sa jeep, di pa naipatutupad ng ilang mga tsuper sa West Ave, QC

DOT, pinangunahan ang tatlong araw na Philippine Experience sa Kasanggayahan Festival sa Sorsogon

Nagsimula na ang tatlong araw na Philippine Experience (PhilEx) sa Bicol.  Sinimulan ito sa Lalawigan ng Sorsogon, mismo sa pagbubukas ng Kasanggayahan Festival sa lugar. Si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang panauhing pandangal at tagapagsalita, kasama ang buong team ng kalihim. Mismo si Department of Tourism Bicol Regional Director Herbie Aguas, ang kasabay ng… Continue reading DOT, pinangunahan ang tatlong araw na Philippine Experience sa Kasanggayahan Festival sa Sorsogon