P25-M tulong para sa mga bikitma ng sunog sa Cavite, ikinasa ng Office of the Speaker

Agad inasikaso ni Speaker Martin Romualdez ang mabilis na paglalabas ng nasa P25 million na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa may 1,000 pamilyang nasunugan sa Bacoor, Cavite. Sa pondo ng AICS o AKAP, huhugutin ang ipapaabot na ayuda, medical assistance at maging temporary shelter para sa mga apektadong… Continue reading P25-M tulong para sa mga bikitma ng sunog sa Cavite, ikinasa ng Office of the Speaker

Pinaigting na information drive kaugnay sa leptospirosis, inaprubahan ng Metro Manila Council

Inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon na humihimok sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magsagawa ng information drive at kampanya upang mapataas ang kamalayan ng publiko tungkol sa leptospirosis. Sa isang press briefing na ginanap sa MMDA Head Office sa Pasig City, inihayag ni MMDA Acting Chairperson Atty. Don… Continue reading Pinaigting na information drive kaugnay sa leptospirosis, inaprubahan ng Metro Manila Council

Department of Finance, sinigurong ipagpapatuloy ang pagsugpo ng  iligal na vape products

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na tutugunan ng kanyang tanggapan ang pagsugpo ng pagbebenta ng illegal vape products sa merkado. Sa kanyang pulong kasama si Japan Tobacco International (JTI) General Manager John Freda at ilang matataas na opisyales ng kumpanya, pinag-usapan ang mga paraan upang labanan ang  ipinagbabawal na kalakalan ng tabako at mabuo… Continue reading Department of Finance, sinigurong ipagpapatuloy ang pagsugpo ng  iligal na vape products

Mga magulang na nag “alay” ng menor de edad na anak kay Quiboloy, pananagutin ng PNP

Mananagot sa batas ang mga magulang na kusang nag “alay” ng kanilang mga menor de edad na anak para pagsilbihan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi na nakakaalarma ang bilang ng mga… Continue reading Mga magulang na nag “alay” ng menor de edad na anak kay Quiboloy, pananagutin ng PNP

6-year strategy tungo sa patuloy na pag-unlad ng bansa, inilunsad ng pamahalaan at ADB

Inilunsad ngayong araw ng pamahalaan at ng Asian Development Bank (ADB) ang anim na taong estratehiya na naglalayong isulong ang patuloy na pag-unlad ng bansa. Sa paglulunsad sa Malacañang Palace ng Country Partnership Strategy (CPS) 2024-2029, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng ADB bilang isang maaasahang katuwang sa pag-unlad ng bansa.… Continue reading 6-year strategy tungo sa patuloy na pag-unlad ng bansa, inilunsad ng pamahalaan at ADB

Mga tumulong kina dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas, tinukoy ng PAOCC at ni Sen. Gatchalian

Posibleng isa si Huang Zhiyang sa mga tumulong kay dating Mayor Alice Guo na makatakas papalabas ng Pilipinas ayon kina Senador Sherwin Gatchalian at PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz. Ayon kay Cruz, si Huang ang tinuturing na isa sa mga boss ng mga POGO na sangkot sa iba’t ibang kriminal na aktibidad. Sa impormasyon… Continue reading Mga tumulong kina dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas, tinukoy ng PAOCC at ni Sen. Gatchalian

Dating PCSO GM Royina Garma, madedetine sa Kamara matapos ipa-contempt ng Quad Committee

Nauwi sa contempt ang patuloy na pag-iwas ni dating PCSO GM Royina Garma na sumagot sa mga tanong ng mga mambabatas sa isinasagawang pagdinig ng Quad Committee. Si Quad Comm co-chair Joseph Stephen Paduano ang nagmosyon na ipa-contempt si Garma dahil sa hindi pagsagot ng makatotohanan sa mga katanungan ng mga mababatas. Una rito ay… Continue reading Dating PCSO GM Royina Garma, madedetine sa Kamara matapos ipa-contempt ng Quad Committee

Anti-POGO bill, pinupursige ng Senado

Tuloy-tuloy ang pagtalakay ng Senado sa panukalang batas na ganap nang magbabawal sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas. Paliwanag ni Sen. Sherwin Gatchalian, sa kabila ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa inaasahang executive order na ibaba ng Malacañang kaugnay ng POGO ban, kailangan pa rin ng batas… Continue reading Anti-POGO bill, pinupursige ng Senado

Pulis na idinadawit sa pagpatay ng tatlong Chinese drug lords, ipina-contempt ng Kamara

Tuluyan nang ipina-contempt ng House Quad Committee si Police Master Sergeant Arthur “Art” Narsolis, na isinasangkot sa pagpatay ng tatlong Chinese drug lord sa loob ng Davao Prison and Penal Farm (DPPF) noong 2016. Si Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel, ang nagmosyon para ipa-contempt si Narsolis dahil sa paglabag sa Section 11(a)… Continue reading Pulis na idinadawit sa pagpatay ng tatlong Chinese drug lords, ipina-contempt ng Kamara

PAOCC, nag-aapply ng court order para mahukay ang sinasabing burial site ng mga dayuhan sa Porac POGO hub

Nag-aapply na ngayon ang Presidential Anti Orgranized Crime Commission (PAOCC) ng panibagong search warrant sa compound ng na-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga para maimbestigahan ang sinasabing burial site ng mga dayuhan doon. Sa panayam sa Senado, sinabi ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na may mga lumapit kasi sa kanila na witness na… Continue reading PAOCC, nag-aapply ng court order para mahukay ang sinasabing burial site ng mga dayuhan sa Porac POGO hub