Suspek sa pagbabato ng gunting na nagresulta sa malubhang sugat ng katrabaho, arestado sa Maynila

Arestado sa Binondo, Manila ang repacker ng isang parcel sorting station matapos magtamo ng sugat ang kanyang katrabaho dahil sa umano’y pambabato ng gunting. Kinilala ni PMaj. Victor De Leon, deputy station commander ng Meisic Police Station, ang suspect na si Norhana Alamada. Ayon kay De Leon, nagkaroon ng alitan sina Alamada at ang helper… Continue reading Suspek sa pagbabato ng gunting na nagresulta sa malubhang sugat ng katrabaho, arestado sa Maynila

Mga data server ng PNP, nakitaan ng ilang problema ng mga IT expert

Inamin ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nakitaan ng mga IT expert ng ilang problema ang mga data server ng PNP. Ito ay matapos na magsagawa ng inspeksyon ang mga eksperto ng National Privacy Commission at National Telecommunications Commission (NTC) sa mga PNP server, kaugnay ng napaulat na “data breach”… Continue reading Mga data server ng PNP, nakitaan ng ilang problema ng mga IT expert

Isang babae sa QC, sugatan dahil sa pananaksak ng kapatid ng kanyang kinakasama

Humantong sa pananaksak ang alitan ng isang bente anyos na babae at ang kapatid ng kanyang live-in partner sa Quezon City. Ayon kay Police Captain Anthony Dacquel, hepe ng Station Investigation Detective Management Unit ng QCPD Station-14, pinagbabantaan umano ng biktima ang suspect na ipapaholdap ang kanyang mga kaanak o ‘di kaya ay papatayin. Aniya,… Continue reading Isang babae sa QC, sugatan dahil sa pananaksak ng kapatid ng kanyang kinakasama

2 suspect sa pananambang sa isang pulis sa Angono, Rizal, pinaghahanap na

Pinagana na ng Philippine National Police (PNP) ang ‘Oplan Cobweb’ para tutukan ang pananambang sa isang pulis sa Angono, Rizal kahapon.  Kinilala ng Angono Municipal Police Station ang biktima na si Pems Ignacio Santos na nakadestino sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) Detective Special Operations Unit (DSOU) sa Camp Crame.  Lumabas sa inisyal na… Continue reading 2 suspect sa pananambang sa isang pulis sa Angono, Rizal, pinaghahanap na

Anti-drugs panel ng Kamara, bigong mapiga si dating Police Master Sgt. Mayo sa isyu ng 990-kilo drug haul

Bigo ang mga mambabatas na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na pasalitain at makakuha ng impormasyon mula kay dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. Sa pamamagitan ng teleconferencing ay humarap si Mayo sa inquiry ng komite tungkol sa kinasangkutan nitong 990-kilo shabu buy bust. Ang naturang halos isang toneladang shabu… Continue reading Anti-drugs panel ng Kamara, bigong mapiga si dating Police Master Sgt. Mayo sa isyu ng 990-kilo drug haul

137 arestado ng CIDG sa unang araw ng intensified anti-criminality campaign ng bagong PNP Chief

Umabot sa 137 ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa unang araw ng pagpapatupad ng Intensified Anti-criminality Campaign na ipinag-utos ng bagong PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. Iniulat ni CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat na bilang pagtupad sa direktiba ng PNP Chief, nagsagawa sila… Continue reading 137 arestado ng CIDG sa unang araw ng intensified anti-criminality campaign ng bagong PNP Chief

PNP Anti-Cybercrime Group, suportado ang 90 araw na ekstensyon ng SIM card registration

Malugod na tinanggap ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang pagpapalawig ng pagpaparehistro ng SIM card ng 90 araw. Sinabi ni Police Lt. Michelle Sabino, tagapagsalita ng ACG, suportado nila ang desisyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ang deadline. Paliwanag si Sabino, dahil extended ang deadline mabibigyan ng mas mahabang panahon… Continue reading PNP Anti-Cybercrime Group, suportado ang 90 araw na ekstensyon ng SIM card registration

PNP Chief Acorda, tiniyak na handang makipagtulungan sa Kamara kaugnay ng 990 kilo shabu haul cover-up

Tiniyak ng bagong PNP Chief na si Maj. Gen. Benjamin Acorda Jr. sa mga kongresista na handang makipagtulungan ang pambansang pulisya sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot ng mga pulis sa 990-kilo shabu haul cover up. Personal na dumalo si Acorda sa inquiry in-aid of legislation ng House Committee on Dangerous Drugs kasama ang… Continue reading PNP Chief Acorda, tiniyak na handang makipagtulungan sa Kamara kaugnay ng 990 kilo shabu haul cover-up

PNP, itinangging nasa Camp Crame si dating BuCor Chief Bantag

Itinanggi ng PNP na nasa kustodiya na nila si dating Bureau of Corrections (BUCOR) Chief Gerald Bantag. Ito’y matapos na kumalat ang balita na sumuko na umano at dinala sa Camp Crame ang pangunahing suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at inmate na si Jun Villamor. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col.… Continue reading PNP, itinangging nasa Camp Crame si dating BuCor Chief Bantag

PNP Chief sa mga mamamayan: magsumbong sa mga pulis

Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga mamamayan na aktibong makipagtulungan sa mga pulis sa Anti-Crime Campaign sa pamamagitan ng pagsusumbong ng mga insidente sa kanilang kapaligiran. Ayon sa PNP Chief, ganito ang pinairal nilang sistema noong siya ay Regional Director sa Police Regiona Office (PRO) 10, kung… Continue reading PNP Chief sa mga mamamayan: magsumbong sa mga pulis