Canadian national na sangkot sa nasabat na 1.4 toneladang shabu sa Batangas, arestado na

Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang Canadian national na itinuturong sangkot sa pagkakasabat ng 1.4 toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas kamakailan. Ito’y kasunod ng ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division ng National Capital Region Police Office, Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 4A o CALABARZON at Bureau of… Continue reading Canadian national na sangkot sa nasabat na 1.4 toneladang shabu sa Batangas, arestado na

Isa pang akusado sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong Navarro, sumuko na sa NBI

Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang akusado sa kasong illegal detention for ransom na isinampa ng TV host at actor na si Vhong Navarro. Ayon sa NBI, sumuko sa kanilang tanggapan sa Quezon City si Ferdinand Guerrero. Kasama ni Guerrero ang kanyang abogado. Sumuko si Gurrerro ilang araw matapos hatulang… Continue reading Isa pang akusado sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong Navarro, sumuko na sa NBI

Muntinlupa police, may bagong talagang hepe

Maninilbihan bilang bagong hepe ng Muntinlupa police si Col. Robert Domingo.  Si Domingo ay dating station commander ng Manila police district at naging district investigation and detective management ng eastern police district.  Pinalitan ni Domingo si Col. Angel Garcillano na humawak sa naturang posisyon sa loob ng dalawang taon.  Bukas palad na tinaggap ni Muntinlupa… Continue reading Muntinlupa police, may bagong talagang hepe

Suporta ng Phil. Army sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept, tinalkay Sa Command Conference sa Malacanang

Iprinisinta ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga hakbang ng Hukbong Katihan para suportahan ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept. Ito’y sa unang Philippine Army Command Conference na pinangunahan ng Pangulo sa Malacanang kahapon, kasama sina Department of National Defense Sec. Gilberto C. Teodoro Jr., Executive Sec. Lucas… Continue reading Suporta ng Phil. Army sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept, tinalkay Sa Command Conference sa Malacanang

QCPD, nakamit ang 100% crime clearance efficiency sa 8 focus crimes

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District ang kanilang bagong achievement nang makamit ang 100% crime clearance efficiency sa walong focus crimes sa Quezon City mula Mayo 6-12, 2024. Sa nasabing panahon, naitala ang 22 insidente ng walong focus crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft, at motorcycle theft, kumpara sa… Continue reading QCPD, nakamit ang 100% crime clearance efficiency sa 8 focus crimes

Indonesian na umano’y biktima ng kidnapping, na-ligtas sa Silang Cavite

Naligtas ng mga tauhan ng Silang municipal police station (MPS) ang isang Indonesian na umano’y biktima ng kidnapping sa Barangay Malabag, Silang Cavite. Sa ulat ng Cavite Provincial Police Office (PPO) na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Teddy Sufendy, 28 taong gulang at nagtatrabaho bilang POGO-Search Engine Maintenance sa Makati City.… Continue reading Indonesian na umano’y biktima ng kidnapping, na-ligtas sa Silang Cavite

2 sundalo nasawi, 4 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Kalinga

Nasawi ang dalawang sundalo, at sugatan ang apat na iba pa matapos tamaan ng kidlat sa kabundukan ng Western Uma, Lubuagan at Balatoc sa bayan ng Pasil sa lalawigan ng Kalinga. Kinilala ng 5th Infantry Division ng Philippine Army ang mga nasawi na sina Corporal Andrew Five Monterubio at Private First Class Inmongog Aronchay. Habang… Continue reading 2 sundalo nasawi, 4 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Kalinga

Mastermind at 3 kasabwat nito sa pamamaril sa alkalde ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, tinutugis na ng PNP matapos maglabas ng Warrant of Arrest ang korte

Patuloy ang isinasagawang manhunt operations ng Philippine National Police (PNP) laban tinuturong mastermind gayundin sa tatlo pang kasabwat nito sa pamamaril kay Datu Odin Sinsuat Mayor Lester Sinsuat noong January 2. Ito’y makaraang maglabas na ng Warrant of Arrest ang Cotabato City Regional Trial Court Branch 13 laban kay Ansawi Limbona alyas Jojo Limbona dahil… Continue reading Mastermind at 3 kasabwat nito sa pamamaril sa alkalde ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, tinutugis na ng PNP matapos maglabas ng Warrant of Arrest ang korte

Paglipat ng preliminary investigation sa 5 suspek sa pagpatay ng pulis sa Maguindanao del Norte, kinokonsidera ng PNP

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang paglipat sa City Prosecutor o sa Metro Manila ng Preliminary Investigation sa limang suspek, kabilang ang dalawang pulis na sangkot sa pagpatay kay Captain Rolando Moralde sa Parang, Maguindanao del Norte. Ito’y matapos ipag-utos ng Provincial Prosecutor ng Maguindanao de Norte noong May 7 ang pagpapalaya kay Police… Continue reading Paglipat ng preliminary investigation sa 5 suspek sa pagpatay ng pulis sa Maguindanao del Norte, kinokonsidera ng PNP

Buong suporta sa Marawi rehabilitation, tiniyak ni Sec. Teodoro

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang buong suporta sa rehabilitasyon ng Marawi. Ang pagtiyak ay inihayag ng kalihim kay Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation, Secertary Nasser Pangandaman Sr. sa pagbisita ng huli sa DND Headquarters sa Camp Aguinaldo. Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, nagkasundo sila na paigtingin ang kooperasyon para… Continue reading Buong suporta sa Marawi rehabilitation, tiniyak ni Sec. Teodoro