Buong suporta sa Marawi rehabilitation, tiniyak ni Sec. Teodoro

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang buong suporta sa rehabilitasyon ng Marawi. Ang pagtiyak ay inihayag ng kalihim kay Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation, Secertary Nasser Pangandaman Sr. sa pagbisita ng huli sa DND Headquarters sa Camp Aguinaldo. Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, nagkasundo sila na paigtingin ang kooperasyon para… Continue reading Buong suporta sa Marawi rehabilitation, tiniyak ni Sec. Teodoro

Konsehala at asawa, arestado kasama ang 2 iba pa sa illegal possession of firearms sa Naic, Cavite

Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) Southern Metro  Manila District Field Unit ang isang konsehala, ang asawa nito, at 2 iba pa sa ikinasang Oplan Paglalansag Omega sa Sitio Lontoc, Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite noong Sabado. Sa ulat ng CIDG, kinilala ang mga suspek na sina Maria Theresa Puno asawa niyang… Continue reading Konsehala at asawa, arestado kasama ang 2 iba pa sa illegal possession of firearms sa Naic, Cavite

Ikalawang civilian mission sa West Phil., nakakasa na

Inihahanda na ang mga suplay na ipapamahagi sa ikalawang civilian Mission sa West Philippine Sea. Mahigit 100 banka ang inaasahang lalahok sa misyon mula Mayo 14 hanggang 17 na pangungunahan ng Atin Ito Coalition kasama ang iba pang volunteer. Kabilang sa mga inihanda ang krudo na isinalin sa maliliit na container para ipamamahagi sa mga… Continue reading Ikalawang civilian mission sa West Phil., nakakasa na

Mahigit ₱3-M na iligal na droga, nasabat sa Bulacan; 2 High Value Individuals, arestado

Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office 3 ang 2 High Value Individuals na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa rehiyon. Batay sa ulat kay PRO3 o Central Luzon PNP Director, PBGen. Jose Hidalgo Jr, naaresto ang 2 sa bahagi ng Brgy. Graceville, San Jose City sa lalawigan ng Bulacan. Nakuha sa… Continue reading Mahigit ₱3-M na iligal na droga, nasabat sa Bulacan; 2 High Value Individuals, arestado

DepEd, nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng nasawing Grade 10 student sa Iloilo, gayundin sa 10-taong gulang na bata sa Tupi, South Cotabato

Ipinaabot ng Department of Education (DepEd) ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa naulilang pamilya ng dalawang estudyante mula sa Iloilo at South Cotabato na napaulat na nasawi Batay sa ulat ng DepEd, nasawi ang Grade 10 student mula sa Maasin, Iloilo noon pang May 10 subalit hindi nito idinetalye ang sanhi ng kamatayan ng nasabing bata.… Continue reading DepEd, nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng nasawing Grade 10 student sa Iloilo, gayundin sa 10-taong gulang na bata sa Tupi, South Cotabato

Panibagong arbitration case, dapat ng isampa ng Pilipinas sa International Tribunal laban sa China

Hinihikayat ni Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza ang gobyerno ng Pilipinas na magsampa na ng bagong arbitration case sa International Tribunal laban sa China. Itoy dahil sa patuloy na ginagawang harassment ng Chinese Coast Guard laban sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon kay Jardeleza, walang ibang paraan ang ating bansa… Continue reading Panibagong arbitration case, dapat ng isampa ng Pilipinas sa International Tribunal laban sa China

Panawagan ni Sec. Teodoro na aksyunan ang ilegal na aktibidad ng Chinese embassy, sinegundahan ni Sec. Año

Sinegundahan ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año ang panawagan ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro sa Deparment of Foreign Affairs (DFA) na aksyunan ang ilegal na aktibidad ng mga tauhan ng Chinese Embassy. Sa isang kalatas, sinabi ni Sec. Año na dapat gumawa ng kaukulang hakbang ang DFA laban sa mga… Continue reading Panawagan ni Sec. Teodoro na aksyunan ang ilegal na aktibidad ng Chinese embassy, sinegundahan ni Sec. Año

AFP, walang imbestigasyon kay VAdm. Carlos kaugnay ng umano’y “new model” na pinakalat ng Chinese embassy

Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na hindi iniimbestigahan ng AFP ang naka-leave na Wescom Chief Vice Admiral Alberto Carlos. Sa ambush interview kasunod ng closing Ceremony ng Balikatan Exercise sa Camp Aguinaldo kaninang umaga, binigyang diin ni Col. Padilla na nirerespeto ng AFP ang karapatan ni VAdm.… Continue reading AFP, walang imbestigasyon kay VAdm. Carlos kaugnay ng umano’y “new model” na pinakalat ng Chinese embassy

“Whole of Government Approach”, pinagpaplanuhan sa susunod na Balikatan

Pinagpaplanuhan na ipatupad sa susunod na taon ang “Whole of Government Approach” sa taunang Balikatan Exercise. Sa pulong balitaan kasunod ng pagtatapos kaninang umaga ng Balikatan 39-2024, sinabi ni Balikatan Exercise Director MGen. Marvin Licudine na agad ding sisimulan ngayong hapon ang pagpaplano sa susunod na ehersisyo. Ayon kay Licudine, target nilang lawakan ang partisipasyon… Continue reading “Whole of Government Approach”, pinagpaplanuhan sa susunod na Balikatan

Higit 400 Pulis-NCR, nasibak na sa serbisyo – NCRPO Chief

Umabot na sa higit 400 pulis sa Metro Manila ang nasisibak sa serbisyo sa tuloy tuloy na internal cleansing ng National Capiral Region Police Office. Sa pulong balitaan sa Kampo Karingal, sinabi ni NCRPO Chief PMGen Joee Melencio Nartatez Jr., na mula sa mga natanggal, 12 pulis ang may kaugnayan sa iligal na droga. Karamihan… Continue reading Higit 400 Pulis-NCR, nasibak na sa serbisyo – NCRPO Chief