PNP, naghahanap ng mahusay na law firm na magtatanggol sa mga pulis

Naghahanap ng mahusay na law firm ang PNP para tumulong sa mga pulis na nahaharap sa “counter charges” sa pagganap ng kanilang tungkulin. Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa isang ambush interview sa kanyang pagbisita sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Headquarters ngayong umaga. Ayon sa PNP Chief,… Continue reading PNP, naghahanap ng mahusay na law firm na magtatanggol sa mga pulis

2 pulis, 3 iba pa, kinasuhan ng murder sa pagkamatay ng pulis opisyal sa Maguindanao

Kinasuhan ng murder ang dalawang pulis at tatlong iba pa sa pamamaril at pagpatay noong May 2 kay Police Capt. Rolando Moralde sa public market ng Parang, Maguindanao del Norte. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, kusang sumuko ang dalawang pulis na may ranggong Police Master Sergeant at kasalukuyang nasa… Continue reading 2 pulis, 3 iba pa, kinasuhan ng murder sa pagkamatay ng pulis opisyal sa Maguindanao

Libreng legal assistance at health card, sisikaping ipagkakaloob ng PNP Chief sa mga pulis

Gagawin ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang lahat para mabigyan ng libreng legal Assistance at Health Card ang mga pulis. Sa Flag raising Ceremony sa Camp Crame ngayong umaga, sinabi ni Gen. Marbil na ito ay para makabawas sa mga alalahanin ng mga pulis upang mas matutukan nila ang pagganap sa kanilang… Continue reading Libreng legal assistance at health card, sisikaping ipagkakaloob ng PNP Chief sa mga pulis

BRP Andres Bonifacio, balik serbisyo na

Nagbalik na sa aktibong serbisyo ang BRP Andres Bonifacio (PS-17) matapos sumailalim sa malawakang pagkumpuni at “upgrading” ng “communications and sensor equipment.” Ang BRP Andres Bonifacio, na isa sa tatlong Offshore patrol vessel ng Philippine Navy ay naka-assign sa Naval Forces West at AFP (Armed Forces of the Philippines) Western Command area of operations. Kabilang… Continue reading BRP Andres Bonifacio, balik serbisyo na

Umano’y planong tapyas benepisyo sa mga pulis, ‘fake news’ — PNP chief

Tinawag na “fake news” ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang mga kumakalat na balita sa social media hinggil sa umano’y planong pagtatapyas sa benepisyo ng mga pulis. Partikular na tinukoy ng PNP chief ang patungkol sa planong pagbabawas sa rice subsidy gayundin sa mga nakukuhang Combat Incentive Pay (CIP) at… Continue reading Umano’y planong tapyas benepisyo sa mga pulis, ‘fake news’ — PNP chief

Tatlong matataas na opisyal ng PNP, isinailalim sa rigudon

Muling nagpatupad ng rigudon ang Philippine National Police (PNP) sa matataas na opisyal nito. Batay sa kautusan ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, itinalaga si PMGen. Romeo Caramat Jr. bilang pinuno ng Area Police Command – Northern Luzon na isang 3-star post. Papalit naman kay Caramat bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group… Continue reading Tatlong matataas na opisyal ng PNP, isinailalim sa rigudon

Pagdiriwang sa Araw ng Paggawa, pangkalahatang naging mapayapa — PNP

Itinuturing na “generally peaceful” ng Philippine National Police (PNP) ang takbo ng mga aktibidad kahapon kaalinsabay na rin ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo batay sa maghapong pagbabantay nila sa mga aktibidad sa buong bansa gaya ng mga kilos… Continue reading Pagdiriwang sa Araw ng Paggawa, pangkalahatang naging mapayapa — PNP

Daulah Islamiyah sub leader, 4 na tauhan, nutralisado sa Lanao del Norte

Na-nutralisa ng mga tropa ng 103rd Infantry Brigade ang isang sub leader ng Daulah Islamiyah – Maute Group (DI-MG) at apat niyang tauhan sa serye ng enkwentro sa Munai, Lanao del Norte kahapon. Kinilala ang mga nasawing terorista na sina: Najeb Laguindab, alyas Abu Jihad/Abu Yad, ang sub-leader ng grupo; Johaiver Dumar, alyas Juhayber/Julaibib; Salman… Continue reading Daulah Islamiyah sub leader, 4 na tauhan, nutralisado sa Lanao del Norte

Strategic partnership ng Pilipinas at Japan, isinulong ni Sec. Teodoro at Japan State Minister of Defense

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro si Japan State Minister of Defense Hon. Oniki Makoto sa pagbisita ng huli sa DND sa Camp Aguinaldo kahapon. Si State Minister Oniki ay nasa bansa sa paanyaya ng DND para sa 3 araw na opisyal na pagbisita, bilang kinatawan ni Japanese Defense… Continue reading Strategic partnership ng Pilipinas at Japan, isinulong ni Sec. Teodoro at Japan State Minister of Defense

Baliktan at Salaknib exercise, tampok sa pagpupulong ng US Army Pacific Chief at Phil Army Chief

Malugod na tinanggap ni Phil. Army Chief Lt. General Roy Galido ang Commanding General ng US Army Pacific (USARPAC), General Charles A. Flynn sa pagbisita ng huli sa Army Headquarters, Fort Bonifacio Taguig kahapon. Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, tinalakay ang kasalukuyang nagaganap na Balikatan exercise, at ang Salaknib exercise sa pagitan ng dalawang hukbo.… Continue reading Baliktan at Salaknib exercise, tampok sa pagpupulong ng US Army Pacific Chief at Phil Army Chief