Halos 200 unregistered motorcycles, in-impound ng QCPD

Diretso sa impound ang nasa 198 na mga motorsiklo sa Quezon City na hindi rehistrado at walang mga plate number. Resulta ito ng ikinasang 3-Day One Time Big Time (OTBT) operations ng Quezon City Police District (QCPD) katuwang ang ibat ibang mga police stations nito. Ayon kay QCPD Director, Police Brig. Gen. Redrico Maranan, isinagawa… Continue reading Halos 200 unregistered motorcycles, in-impound ng QCPD

Mga pulis, pahihintulutang magsuot ng patrol shirt pangontra sa init

Papayagan ang mga pulis na magsuot ng patrol shirt bilang pangontra sa sobrang init ng panahon. Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Col. Jean Fajardo, ito ang napag-usapan sa Staff Conference, at hinihintay na lang na mapirmahan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang rekomendasyon kaugnay nito.… Continue reading Mga pulis, pahihintulutang magsuot ng patrol shirt pangontra sa init

Pagkamatay ng 14 anyos na estudyante sa Talisay, Cebu, aksidente lang – PNP

Nilinaw ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na hindi totoo ang inisyal na lumabas na balita na binaril at pinatay ng nanloob sa bahay ang isang 14 anyos na estudyante sa Talisay, Cebu. Unang napaulat na binaril ng hindi kilalang salarin ang suspek habang sinasagutan niya ang kanyang study module sa… Continue reading Pagkamatay ng 14 anyos na estudyante sa Talisay, Cebu, aksidente lang – PNP

4 na pulis na sangkot sa insidente ng pagtataksil na nauwi sa barilan sa Laguna, sinibak sa pwesto

Ni-relieve sa pwesto ang apat na pulis na sangkot sa insidente ng pagtataksil na nauwi sa barilan sa Laguna. Matatandaang naaktuhan ng dalawang pulis ang kanilang mga asawang pulis din na nagtatalik umano sa nakaparadang sasakyan sa parking lot ng isang mall sa Calamba, Laguna noong Abril 25. Tinangka pa umanong tumakas ng magkalaguyong pulis… Continue reading 4 na pulis na sangkot sa insidente ng pagtataksil na nauwi sa barilan sa Laguna, sinibak sa pwesto

Pulis, kinasuhan sa pagpatay sa kapitan ng barangay sa Leyte

Nagsampa ng pormal na reklamo sa opisina ng Office of the Provincial Prosecutor ang isa sa pamilya ng namatay na opisyal sa Brgy. Daja Diot, San Isidro, Leyte. Sinalaysay ni alyas John, barangay tanod at pinsan ng namatay na kapitan ng barangay sa Daja-Diot na kinilala na si Elizalde Tabon, ang nangyaring shooting incident noong… Continue reading Pulis, kinasuhan sa pagpatay sa kapitan ng barangay sa Leyte

Pangunahing suspek sa pagpatay kay brodkaster Juan Jumalon, arestado ng PNP

Inanunsyo ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo ang pagkakaaresto kaninang umaga ng pangunahing suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon na kilala bilang DJ “Johnny Walker”. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, kinilala ni Fajardo ang suspek na si Julito Mangumpit alyas Ricky na nasakote sa pinagsanib na operasyon… Continue reading Pangunahing suspek sa pagpatay kay brodkaster Juan Jumalon, arestado ng PNP

May ari ng 2 inabandonang SUV na konektado sa 1.4 toneladang shabu, natukoy na ng PNP

Natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang may-ari ng dalawang inabandonang SUV na posibleng may kaugnayan sa nasabat na 1.4 na toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na ang nakabili at nakapangalan sa mga dokumento… Continue reading May ari ng 2 inabandonang SUV na konektado sa 1.4 toneladang shabu, natukoy na ng PNP

Pag-review ng PNP Legal Service sa rekomendasyong bawiin ang LTOPF ni Pastor Quiboloy, tapos na

Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na natapos na kaninang alas diyes ng umaga ng PNP Legal Service ang pag-review sa rekomendasyong bawiin ang License to own and Posses Firearms (LTOPF) ni Pastor Apollo Quiboloy. Dahil dito, sinabi ni Fajardo na pirma na lang ni PNP Chief PGen Rommel Francisco… Continue reading Pag-review ng PNP Legal Service sa rekomendasyong bawiin ang LTOPF ni Pastor Quiboloy, tapos na

P400-K ipinuslit na sigarilyo, nasabat ng CIDG sa Davao del Sur

Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at lokal na pulisya ang P400,000 ng ipinuslit na sigarilyo sa operasyon sa Barangay Bato, Sta Cruz, Davao del Sur. Dito’y nahuli sa akto ng pagbebenta ng sigarilyo na walang Graphic Health Warning Signs ang suspek na kinilalang si alyas Rashdy, 27 taong… Continue reading P400-K ipinuslit na sigarilyo, nasabat ng CIDG sa Davao del Sur

Focus crimes, bumaba ng 19% sa unang apat na buwan ng 2024

Iniulat ng Philippine National Police na bumaba ng 19.57% ang focus crimes sa 10,249 insidente mula Enero hanggang Abril 22 sa taong ito kumpara sa 12,743 insidenteng naitala sa parehong panahon noong nakalipas na taon. Ang focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft at motorcycle theft. Ang mga… Continue reading Focus crimes, bumaba ng 19% sa unang apat na buwan ng 2024