Senado, hihintayin munang maaresto ng mga awtoridad si Pastor Quiboloy bago imbitahan sa pagdinig ng Senado

Hihintayin muna ng Senado na maaresto ng tuluyan ng mga otoridad si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy bago hilingin ang pagpadalo nito sa pagdinig ng Senado. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, magpapatuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa mga isyu kay Quiboloy at naantala lang ito… Continue reading Senado, hihintayin munang maaresto ng mga awtoridad si Pastor Quiboloy bago imbitahan sa pagdinig ng Senado

Konstruksyon ng bagong Senate building, tigil muna – SP Chiz Escudero

Pinapa-review muna ni Senate President Chiz Escudero ang konstruksyon ng bagong Senate building sa Taguig. Sa naging flag raising ngayong umaga, inanunsyo sa harap ng mga empleyado ng senado na tigil muna ang konstruksyon, tigil muna ang pagbabayad sa mga contractor, at pag-aaralan muna ang pinapataayong bagong gusali. Sa panayam sa media, binahagi ni Escudero… Continue reading Konstruksyon ng bagong Senate building, tigil muna – SP Chiz Escudero

Sen. Gatchalian, nanawagan sa LGUs na maging mapagbantay sa POGO sa kanilang mga lugar

Inabisuhan ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Sherwin Gatchalian ang mga local government unit (LGU) na maging alerto sa mga POGO sa kanilang lugar. Ayon kay Gatchalian, dapat ay maging mapagmasid ang mga lokal na pamahalaan sa POGO at huwag nang idahilan ang hindi nila alam. Aniya, tila nagiging palusot na kasi ng… Continue reading Sen. Gatchalian, nanawagan sa LGUs na maging mapagbantay sa POGO sa kanilang mga lugar

Marine hatcheries sa SUCs, makatutulong sa mga mangingisdang apektado ang hanapbuhay dahil sa masamang panahon

Iminungkahi ni Iloilo Representative Raul Tupas na i-utilize ang marine hatcheries sa state universities and colleges (SUCs) upang matulungan ang mga mangingisda na apektado ang kabuhayan tuwing may sama ng panahon. Ayon sa mambabatas, upang masiguro na may pagkakakitaan pa rin ang mga mangingisda sa Western Visayas at MIMAROPA ay dapat na suportahan ng BFAR… Continue reading Marine hatcheries sa SUCs, makatutulong sa mga mangingisdang apektado ang hanapbuhay dahil sa masamang panahon

Sen. Francis Tolentino, pinabubusisi ang pagtaas ng presyo ng luya sa merkado

Pinasisilip ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Bureau of Plant Industry (BPI) ang sanhi ng pagsipa ng presyo ng mga gulay sa merkado, partikular na ng mga luya. Sa monitoring kasi ng senador, napag-alaman nitong umaabot na sa P320 per kilo na ang bentahan ng luya sa mga palengke. Tinataya aniyang nasa P100 kada… Continue reading Sen. Francis Tolentino, pinabubusisi ang pagtaas ng presyo ng luya sa merkado

Sen. Gatchalian, naghain ng panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng smartphone at gadget sa klase

Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian na maipagbawal na sa mga klase ang paggamit ng smartphones at electronic devices sa oras ng klase. Sa inihaing Senate Bill 2706 o ang panukalang Electronic Gadget-free Schools act ni Gatchalian, minamandato ang Department of Education (DepEd) na magbalangkas ng mga pamantayan na magbabawal sa paggamit ng mobile devices sa… Continue reading Sen. Gatchalian, naghain ng panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng smartphone at gadget sa klase

Mga magsasaka ng Isabela, pinagkalooban ng solar pumps

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng 17 solar pumps sa mga magsasaka ng Isabela na isa sa mga nangungunang probinsya pagdating sa produksyon ng bigas at mais. Kasama ni Romualdez ang ilan sa opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) at si Isabela Governor Rodito Albano, na kasama rin sa pagsaksi ng inagurasyon ng… Continue reading Mga magsasaka ng Isabela, pinagkalooban ng solar pumps

SP Chiz Escudero, hindi tutol sa pag-awit at pagbigkas ng ‘Bagong Pilipinas’ hymn at pledge sa Senado

Ipinauubaya na ni Senate President Chiz Escudero sa Senate secretariat ang pagdedesisyon kung ipapatupad rin sa Mataas na Kapulungan ang pag-awit at pagbigkas ng ‘Bagong Pilipinas’ hymn at pledge tuwing flag raising ceremony. Ipinaliwanag ni Escudero, na hindi sakop ng inilabas na kautusan ng Malacañang na nagmamandato nito sa Senado, Kamara, Korte Suprema at Constitutional… Continue reading SP Chiz Escudero, hindi tutol sa pag-awit at pagbigkas ng ‘Bagong Pilipinas’ hymn at pledge sa Senado

Pang. Marcos, naglabas ng EO para ayusin ang Results-Based Performance Management at Performance-Based Incentive System

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 61 ay iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng streamlining at ayusin ang Results-Based Performance Management System at Performance-Based Incentive System. Ayon sa Malacañang, duplicated at redundant ang RBPMS and PBI System sa internal at external performance audit at evaluation systems ng pamahalaan. Bukod Dito ay… Continue reading Pang. Marcos, naglabas ng EO para ayusin ang Results-Based Performance Management at Performance-Based Incentive System

‘BBB’ investment rating ng Pilipinas, muling kinumpirma sa pinakahuling Fitch Ratings

Muling kinumpirma ng Fitch Ratings ang ‘BBB’ na investment-grade credit rating ng Pilipinas na may ‘stable’ na outlook na nagpapakita umano ng matatag na potensyal sa paglago, stable na debt levels, at mahusay na mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa. Ayon sa Fitch kinilala nito ang mga isinasagawang polisiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) partikular… Continue reading ‘BBB’ investment rating ng Pilipinas, muling kinumpirma sa pinakahuling Fitch Ratings