Iba pang dayuhang sangkot sa 1.4 toneladang shabu na narekober sa Alitagtag, Batangas, natukoy na ng mga awtoridad

Natukoy na ng mga awtoridad ang iba pang mga dayuhang sangkot sa 1.4 toneladang shabu na narekober kamakailan sa Alitagtag, Batangas. Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa pulong balitaan sa Camp Crame, matapos iprisinta ang arestadong Canadian National na umano’y “Major player” sa nakumpiskang… Continue reading Iba pang dayuhang sangkot sa 1.4 toneladang shabu na narekober sa Alitagtag, Batangas, natukoy na ng mga awtoridad

Mga mambabatas, pinuri ang AKAP program; Pagpopondo nito sa 2025 national budget, sisiguruhin

Positibo ang pagtanggap ng mga mambabatas sa sabayan at opisyal na paglulunsad ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program o AKAP ng pamahalaan. Ayon kay Taguig Representative Pammy Zamora, malaking tulong ang programang ito para sa mga kababayan nating nagtatrabaho ngunit kulang ang kita. Pawang mga tricycle driver ang naging benepisyaryo sa distrito ni… Continue reading Mga mambabatas, pinuri ang AKAP program; Pagpopondo nito sa 2025 national budget, sisiguruhin

Pilipinas, maaaring magsampa ng kaso sa int’l court ukol sa bagong regulasyon ng China na ikulong ang mga ituturing nilang ‘sea trespassers’

Maaaring magsampa ng panibagong kaso ang Pilipinas sa international court kung magkukulong ang China ng mga Pilipino na papasok ng walang pahintulot sa mga pinag-aagawang lugar sa South China Sea. Ito ang iginiit ni Senate Special Committee on Admiralty Zones Chairperson Senador Francis Tolentino nang matanong tungkol sa bagong regulasyon ng China, na ikulong ang… Continue reading Pilipinas, maaaring magsampa ng kaso sa int’l court ukol sa bagong regulasyon ng China na ikulong ang mga ituturing nilang ‘sea trespassers’

Pangulong Marcos Jr., muling nanindigan sa pagdedepensa sa pag- aaring teritoryo ng Pilipinas

Sa harap ng Bagong Sinag PMA Batch ay muling binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na idedepensa ng bansa ang karapatan sa pag-aaring teritoryo nito. Ang paninindigan ay ginawa ng Pangulo habang inisa-isa sa mga bagong nagsipagtapos ng PMA class 2024 ang magiging bahagi ng trabaho nito bilang mga opisyal ng bayan. Ayon… Continue reading Pangulong Marcos Jr., muling nanindigan sa pagdedepensa sa pag- aaring teritoryo ng Pilipinas

Binuong climate change panel ng DA, welcome sa mga senador

Pinuri ng mga senador ang pagbuo ng Department of Agriculture (DA) ng isang climate change panel sa gitna ng inaasahang pinsalang idudulot ng La Niña sa agriculture sector ng bansa. Sinabi ni Senador Chiz Escudero, na dapat makumpleto agad ito dahil kailangan ng panahon para mapaghandaan ang epekto ng La Niña, hindi lang sa sektor… Continue reading Binuong climate change panel ng DA, welcome sa mga senador

Senate President Juan Miguel Zubiri, sinabing dapat pang pag-aralan ang Divorce Bill 

Malamig pa din ang liderato ng Senado sa divorce.  Sa panayam sa Pag-asa Island, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kailangan pang pag-aralan ang naturang panukala.  Ito ay sa gitna ng pagkakapasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa ng House Bill 9348 o ang panukalang magsasalegal ng divorce sa Pilipinas.  Si Senate Majority Leader… Continue reading Senate President Juan Miguel Zubiri, sinabing dapat pang pag-aralan ang Divorce Bill 

Nationalist People’s Coaliton, makikipag-alyansa na rin sa Partido Federal ng Pilipinas

Binigyang diin ni Rizal 1st District Rep. Jack Duavit ang importansya ng pakikipag-alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa kanilang partido na Nationalist People’s Coaliton (NPC). Sa ipinadalang mensahe ni Duavit, secretary general ng NPC, sa Radyo Pilipinas, sinabi nito na mahalaga ang pagsasanib puwersa ng dalawang partido sa direksyon na kanilang tinatahak lalo… Continue reading Nationalist People’s Coaliton, makikipag-alyansa na rin sa Partido Federal ng Pilipinas

Kasong libel at sedition, hindi kasama sa iimbestigahan ng House Ethics Committee

Photo courtesy of House of Representatives

Hindi na sakop ng House Committee on Ethics ang imbestigasyon ukol sa posibleng libelous statements ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez laban sa mga kapwa opisyal ng gobyerno. Paliwanag ni COOP-Natco party-list Rep. Felimon Espares, chair ng komite, ang paglilitis nito ay nasa kamay na ng criminal courts. Korte na rin aniya ang magdedetermina… Continue reading Kasong libel at sedition, hindi kasama sa iimbestigahan ng House Ethics Committee

Nalalapit na pagsasabatas ng panukala para magtatag ng Shari’a Court sa NCR at Visayas, malaking tulong para sa Muslim Filipino

Umaasa si Lanao del Norte Representative Khalid Dimaporo na tuluyang maisabatas ang panukalang magtatatag ng Shari’a courts sa labas ng Mindanao. Ayon kay Dimaporo, salig sa Presidential Decree 1083 na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nagkaroon ng Shari’a Courts at nakabase sa Zamboanga. Ngunit ngayon aniya na marami na ring Muslim Filipinos… Continue reading Nalalapit na pagsasabatas ng panukala para magtatag ng Shari’a Court sa NCR at Visayas, malaking tulong para sa Muslim Filipino

Infra projects ng pamahalaan, magsusulong sa hanay ng maliliit na negosyante sa bansa – Pangulong Marcos Jr.

Inaasahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbi-benepisyo ang mga maliliit na negosyante sa bansa sa mga malalaking infrastructure projects ng pamahalaan, kabilang na sa Ilocos Region. Sa inagurasyon ng Tourist Rest Area (TRA) sa Pagudpud (May 17), binanggit ng Pangulo ang konstruksyon ng Ilocos Norte Transportation Hub na layong ayusin ang trapiko… Continue reading Infra projects ng pamahalaan, magsusulong sa hanay ng maliliit na negosyante sa bansa – Pangulong Marcos Jr.