Panukalang amyenda sa Rice Tariffication law, aprubado na sa committee level sa Kamara

Umusad na sa Kamara ang panukalang batas para amyendahan ang Rice Tariffication kasama ang pagbabalik ng kapangyarihan sa National Food Authority (NFA) na makapagbenta ng bigas sa mga pamilihan. Ito’y matapos aprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang substitute bill ng pinag-isang panukala. Ayon kay Quezon Representative Mark Enverga, Chair ng Komite, sa… Continue reading Panukalang amyenda sa Rice Tariffication law, aprubado na sa committee level sa Kamara

Kamara, sisimulan ang pagdinig sa napaulat na “gentleman’s agreement” ng China at Pilipinas sa susunod na linggo

Kinumpirma ng ilan sa lider ng Kamara na kasado na ang pagsiyasat sa napaulat na gentleman’s agreement sa pagitan ng China at dating administrasyon patungkol sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay House Assistant Majority Leader Paolo Ortega, sa susunod na linggo ay sisimulan na ang pagdinig kaugnay sa napaulat na kasunduan kasama ang iba… Continue reading Kamara, sisimulan ang pagdinig sa napaulat na “gentleman’s agreement” ng China at Pilipinas sa susunod na linggo

Sen. Gatchalian, minumungkahing palawakin ang saklaw ng heat index para maging gabay sa pagsuspinde ng klase

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na palawakin ang saklaw ng mga heat index para magabayan ang mga paaralan at mga lokal na pamahalaan sa pagsuspinde ng mga klase. Sa ganitong paraaan aniya ay mawawala na ang pagiging arbitrary ng pagkansela ng mga klase dahil sa sobrang init… Continue reading Sen. Gatchalian, minumungkahing palawakin ang saklaw ng heat index para maging gabay sa pagsuspinde ng klase

Sen. Poe, pinare-review ang epekto ng PUV Modernization Program

Pinare-review ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang epekto ng PUV Modernization Program (PUVMP) ngayong tapos na ang deadline sa consolidation ng jeepneys. Ayon kay Poe, dapat paghandaan ng mga transportation official ang pagbusisi sa epekto ng jeepney modernization program kasama na ang paggamit ng P200 million na pondo para sa… Continue reading Sen. Poe, pinare-review ang epekto ng PUV Modernization Program

Pagbuo ng masterlist ng lahat ng mga lupang pagmamay-ari ng estado, suportado ng mga senador

Pinaboran ng ilang mga senador ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng isang inter-agency coordinationg council para pagsama-samahin ang masterlist ng lahat ng mga lupang pagmamay-ari ng estado. Para kay Senate Minority leader Koko Pimentel, magandang ideya ito. Dapat rin aniyang gumawa ang gobyerno ng masterlist ng lahat ng mga public… Continue reading Pagbuo ng masterlist ng lahat ng mga lupang pagmamay-ari ng estado, suportado ng mga senador

SP Migz Zubiri, umaasang masesertipikahang urgent bill ang P100 legislated wage hike bill

Umaasa si Senate President Juan Miguel Zubiri na masesertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang P100 legislated wage hike na aprubado na ng Mataas na Kapulungan. Paliwanag ni Zubiri, kung ang punong ehekutibo mismo ang magsasabi ay tiyak na kikilusan ng mga mambabatas sa Kamara ang naturang panukala. Sa ngayon… Continue reading SP Migz Zubiri, umaasang masesertipikahang urgent bill ang P100 legislated wage hike bill

Sertipikasyon bilang urgent ng amyenda sa Rice Tariffication law, welcome development para sa mga mambabatas

Suportado ni Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent ang panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL). Ayon sa House Speaker, ipinapakita nito ang nagkakaisang hangarin ng ehekutibo at lehislatura na mapababa ng presyo ng bigas, at protektahan ang mga magsasaka at mamimili mula sa mga mapagsamantalang… Continue reading Sertipikasyon bilang urgent ng amyenda sa Rice Tariffication law, welcome development para sa mga mambabatas

Bicolano solon, itinutulak ang pagpasa ng mahigpit na batas laban sa pagbebenta at paggawa ng pekeng gamot

Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Yamsuan ang mas mahigpit na na batas laban sa mga pekeng gamot. Ginawa ni Rep. Yamsuan ang pahayag kasunod ng panawagan at pagsasanib pwersa ng  Intellectual Property Office of the Philippines (IPPHIL) at ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP)   na alisin ang mga pekeng gamot mula… Continue reading Bicolano solon, itinutulak ang pagpasa ng mahigpit na batas laban sa pagbebenta at paggawa ng pekeng gamot

Pangulong Marcos Jr., nakikipag-usap na sa lider ng iba’t ibang political party, para sa posibleng balikatan sa 2025 elections

Naghahanda na ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para sa darating na halalan sa 2025. Ito ang political party ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “We have organized a steering committee, we will then go and make our alliances with the different parties. Of course, nand’yan ang Lakas, NPC, NUP. Sa, lalong-lalo na sa House.… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nakikipag-usap na sa lider ng iba’t ibang political party, para sa posibleng balikatan sa 2025 elections

DepEd, inilatag ang mas agresibong plano para agad na maibalik ang lumang school calendar

Kinonsidera ng Department of Education (DepEd) ang mas maikling in-person classes sa susunod na school year bilang bahagi ng agresibong aksyon upang agad nang makabalik sa old school calendar. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, sinabi ni Education Assistant Secretary Francis Bringas, na ito ang pinakaagresibo nilang suhestiyon para maibalik na agad… Continue reading DepEd, inilatag ang mas agresibong plano para agad na maibalik ang lumang school calendar