Mga Senador, umaasang maipapasa na ng Kamara ang bersyon nito ng P100 legislated wage hike bill

Pinaabot ng mga senador ang pakikiisa sa paggunita ng Araw ng Paggawa ngayong araw. Sa isang pahayag, iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na patuloy na pinaglalaban ng Senado ang karapatan ng mga manggagawa mula sa pagkakaroon ng mas maayos na sweldo hanggang sa pagkakaroon ng ligtas na lugar sa paggawa. Ibinida rin ni… Continue reading Mga Senador, umaasang maipapasa na ng Kamara ang bersyon nito ng P100 legislated wage hike bill

Mga panukalang batas para mapabuti ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, binigyang diin ni Sen. Villanueva

Kasabay ng pagbibigay pugay sa mga manggagawa ngayong Labor Day, tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, na gagawin ng Mataas na Kapulungan ang lahat para magbalangkas ng mga batas na magpapaigting ng proteksyon, kapakanan at kakayahan ng ating mga manggagawa. Unang ibinida ni Villanueva na pirmado na ang implementing rules and regulations (IRR) ng… Continue reading Mga panukalang batas para mapabuti ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, binigyang diin ni Sen. Villanueva

Young Guns solon, bumuwelta sa pangingialam ng China sa planong imbestigasyon ng Kamara sa pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan

Pinaalalahanan ng opposition lawmaker ang Chinese Government na hindi ito dapat makialam sa pagtupad ng mandato ng mga mambabatas. Kaugnay ito sa gagawing imbestigasyon ng Kamara sa pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan. Sa isang privilege speech ay kinuwestyon ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang tila pangingialam ng Chinese Government sa gagawing imbestigasyon ng… Continue reading Young Guns solon, bumuwelta sa pangingialam ng China sa planong imbestigasyon ng Kamara sa pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan

Lanao del Norte solon, naniniwalang hindi na kailangan pang paharapin si dating Pang. Duterte sa gagawing imbestigasyon sa napaulat na ‘gentleman’s agreement’ na pinasok nito kasama ang China

Para kay Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo hindi na kailangan pa imbitahan at paharapin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikakasang imbestigasyon kaugnay sa pinasok umano nitong gentleman’s agreement kasama ang China. Aniya, kung mayroon man aniyang napagkasunduan, ang mga ahensya naman ng pamahalaan ang magpapatupad nito. Kaya kung sakali, sapat nang imbitihin ang… Continue reading Lanao del Norte solon, naniniwalang hindi na kailangan pang paharapin si dating Pang. Duterte sa gagawing imbestigasyon sa napaulat na ‘gentleman’s agreement’ na pinasok nito kasama ang China

House Speaker Romualdez, itinalaga bilang legislative caretaker ng 4th district ng Cavite

Para sa kapakanan ng mga residente ng ika-apat na distrito ng Cavite, itinalaga bilang legislative caretaker ng distrito si House Speaker Martin Romualdez. Kasunod na rin ito ng pagpanaw ni Congressman Elpidio Barzaga Jr. Matatandaan na una nang sinabi ni Speaker Romualdez na mahihirapan nang magsagawa pa ng special elections para punan ang naiwang posisyon… Continue reading House Speaker Romualdez, itinalaga bilang legislative caretaker ng 4th district ng Cavite

Mambabatas, nagbabala sa posibleng pagdami pa ng Deepfake videos

Nagbabala si PA party-list Rep. Margarita Nograles na posibleng lumalapa o dumami ang deepfake videos habang papalapit ang 2025 mid-term elections. Kasunod na rin ito na mismong ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nagkaroon ng deepfake. Kaya mahalaga ani Nograles na magkaroon ng imbestigasyon para matukoy kung sino ang nasa likod nito. Maliban dito… Continue reading Mambabatas, nagbabala sa posibleng pagdami pa ng Deepfake videos

‘Young Guns’ sa Kamara, suportado ang pagtindig ni PBBM laban sa patuloy na pag-angkit at panghihimasok ng China sa ating teritoryo

Tama lang ang hakbang ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tumindig laban sa patuloy na pambu-bully ng China. Ito ang saad ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara nang mahingan ang reaksyon kaugnay sa pahayag ni Sen. Robinhood Padilla na masyadong ‘matapang’ ang aksyon ng Presidente para tugunan ang isyu sa… Continue reading ‘Young Guns’ sa Kamara, suportado ang pagtindig ni PBBM laban sa patuloy na pag-angkit at panghihimasok ng China sa ating teritoryo

Sen. Chiz Escudero, giniit na dapat na ring paghandaan ng pamahalaan ang La Niña

Nanawagan si Senador Chiz Escudero sa pamahalaan na paghandaan na ang La Niña weather phenomenon. Ito ay kasunod ng babala ng PAGASA, na mataas ang posibilidad na magde-develop ang La Niña sa ikalawang bahagi ng taon. Ipinunto ni Escudero na kailangan ng komprehensibong programa at maagang pag aksyon para maprotektahan ang mga vulnerable sector, at… Continue reading Sen. Chiz Escudero, giniit na dapat na ring paghandaan ng pamahalaan ang La Niña

Mambabatas, umaasang sisimulan muli ng Senado ang pagtalakay sa RBH 6 o panukalang economic charter change

Hinikayat ni Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte ang Senado na ipagpatuloy na ang pagdinig nito sa Resolution of Both Houses no. 6 o economic Charter Change. Ayon kay Villafuerte, umaasa siya na ang Senate Subcommittee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ay magkakaroon ng panahon para muling talakayin ang RBH no. 6… Continue reading Mambabatas, umaasang sisimulan muli ng Senado ang pagtalakay sa RBH 6 o panukalang economic charter change

Sen. Binay, hinimok ang mga lokal na pamahalaan na tulungan at suportahan ang street food sector sa bansa

Hinimok ni Senate Committee on Tourism Chairperson Senator Nancy Binay ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na tumulong sa pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pagpapataas ng kalidad ng street food experience para sa mga lokal at dayuhang turista. Ito lalo na aniya’t mas nakikilala na ang ating local food culture dahil… Continue reading Sen. Binay, hinimok ang mga lokal na pamahalaan na tulungan at suportahan ang street food sector sa bansa