Pilipinas at Ireland, lumagda ng MOU para sa pagkakaroon ng bilateral consultations mechanisms

Lumagda ngayong araw sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Irish Ambassador to the Philippines William Carlos ng Memorandum of Understanding na bubuo ng bilateral consultations mechanism sa pagitan ng Pilipinas at Ireland. Sa ilalim ng MOU, magpupulong ang delegasyon ng dalawang bansa kada taon upang talakayin ng bilateral cooperation at mga usapin sa rehiyon… Continue reading Pilipinas at Ireland, lumagda ng MOU para sa pagkakaroon ng bilateral consultations mechanisms

Pangulong Marcos, nangakong paiigtingin ang bilateral relations sa Zimbabwe

Bukas ang Marcos administration sa pag-explore at pagpapaigtinig ng bilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Zimbabwe. Sa presentasyon ng credentials ni Zimbabwe Ambassador to the Philippines Constance Chemwayi, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pagbisita sanang ito ng opisyal ang pagsisimula ng mas malalim pang ugnayan ng dalawang bansa. Umaasa rin… Continue reading Pangulong Marcos, nangakong paiigtingin ang bilateral relations sa Zimbabwe

Pilipinas at European Commission, mahigpit na ang koordinasyon, para sa posibleng ekstensyon ng European submarine cable sa Asya

Handa ang European companies na tumungo at mag-invest sa Pilipinas. Ito ang binigyang diin ni European Commission President Ursula von der Leyen sa pagbisita sa Pilipinas, kung saan isa sa mga napagusapan nila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsusulong sa estado ng bansa, bilang digital hub sa region. “My third point is on… Continue reading Pilipinas at European Commission, mahigpit na ang koordinasyon, para sa posibleng ekstensyon ng European submarine cable sa Asya

Resolusyong hihikayat sa gobyerno na iakyat sa UNGA ang aksyon ng China sa WPS, tinalakay na sa plenaryo ng Senado

Prinesenta na sa plenaryo ng senado ang resolusyon na maghihikayat sa gobyerno, partikular sa Department of Foreign Affairs (DFA), na iakyat na sa United Nations General Assembly (UNGA) ang patuloy na harassment at pambubully ng China sa pwersa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ayon sa sponsor ng Senate Resolution 659 na si Senadora… Continue reading Resolusyong hihikayat sa gobyerno na iakyat sa UNGA ang aksyon ng China sa WPS, tinalakay na sa plenaryo ng Senado

Embahador ng Pilipinas sa Korea, Executive Vice President ng Samsung, tinalakay ang investment opportunities para sa Pilipinas 

Nagkaroon ng pagpupulong sina Philippine Ambassador to Korea Theresa Dizon-De Vega at Samsung Electronics Co. Ltd. Executive Vice President for Global Public Affairs Kim Won-Kyong sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul nitong Martes, July 18. Ibinahagi ng Samsung Executive ang business at investment opportunities ng kumpanya sa Pilipinas sa hinaharap. Ibinahagi naman ni Ambassador Dizon-De… Continue reading Embahador ng Pilipinas sa Korea, Executive Vice President ng Samsung, tinalakay ang investment opportunities para sa Pilipinas 

US airline company na United Airlines, magkakaroon na ng direct flights patungong Maynila

Inanunsyo ng US airline company na United Airlines na magkakaroon na ito ng direct flights patungong Maynila simula sa ika-29 ng Oktubre. Ayon sa kumpanya, araw-araw ang magiging flight ng airline company sa pagitan ng San Francisco International Airport sa California at Ninoy Aquino International Airport gamit ang Boeing 777-300ER aircraft na siyang pinakamalaking aircraft… Continue reading US airline company na United Airlines, magkakaroon na ng direct flights patungong Maynila

Pilipinas, hindi patitinag sa naging desisyon ng ICC kaugnay ng war on drugs

Ikinadismaya ng Office of the Solicitor General ang naging desisyon ng Appeal Chamber ng International Criminal Court (ICC). Ito’y makaraang ibasura ng Appeal Chamber ng ICC ang mga inihaing apela ng Pilipinas may kaugnayan sa war on drugs. Ayon kay Assistant Solicitor General Myrna Agno-Canuto, naninindigan ang Pilipinas na balido ang kanilang inilatag na mga… Continue reading Pilipinas, hindi patitinag sa naging desisyon ng ICC kaugnay ng war on drugs

Embahada ng Pilipinas sa Cairo, pinaaalis na ang mga Pilipino sa nasabing bansa para na rin sa kanilang kaligtasan

Muling inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo ang mga Pilipino sa Sudan na umalis na sa nabanggit na bansa para na rin sa kanilang kaligtasan. Ito ang inihayag ng embahada kasunod ng tumitinding tensyon sa pagitan ng iba’t ibang paksyon sa nasabing bansa. Dahil dito, tuloy-tuloy ang ginagawang mga hakbang ng pamahalaan upang alalayan… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Cairo, pinaaalis na ang mga Pilipino sa nasabing bansa para na rin sa kanilang kaligtasan

COMELEC, hangad ipatupad ang internet demonstration para sa overseas voting sa 2025 midterm elections

Nais ng Comimission on Elections (COMELEC) na maipatupad ang Internet Overseas Voting sa susunod na National and Local elections sa taong 2025. Sa kanyang naging talumpati sa Isinagawang Internet Voting Demonstration for Overseas Voting kaninang umaga sinabi ni  COMELEC Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan na ng comelec na magkaroon ng ganitong klase technological advancement… Continue reading COMELEC, hangad ipatupad ang internet demonstration para sa overseas voting sa 2025 midterm elections

Ika-pitong anibersaryo ng arbitral ruling sa West Philippine Sea, pinahalagahan ng AFP

Bukas, Hulyo 12, gugunitain  ang ika-pitong anibersaryo ng pagka-panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong 2016, kung saan kinilala ang karapatan ng bansa sa 200-mile Excusive Economic Zone sa West Philippine sea sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS). Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, mahalaga… Continue reading Ika-pitong anibersaryo ng arbitral ruling sa West Philippine Sea, pinahalagahan ng AFP