Pinagtibay ng Kamara sa ikalawang pag basa ang House Bill 7363 o ang βPondo sa Pagbabago at Pag-Asenso o βP3β Act.β
Layunin nitong magsilbi bilang alternatibo ng mga maliliit na negosyo mula sa tinatawag na β5-6β at informal lenders.
Target nitong makapaglaan ng abot-kaya, “accessible” o madaling malapitan at simpleng βfinancing programβ para sa micro at small enterprises o MSEs.
Sakaling maisabatas, bubuo ng isang βP3β Fund na maaaring magpautang sa mga kwalipikadong MSE sa pamamagitan ng Small Business Corporation, at accredited partner financial institutions gaya ng mga bangko, kooperatiba, loan associations, lending companies at iba pa.
Wala ring magiging βcollateral requirementβ para sa loan beneficiaries sa ilalim ng programa.
Mas mababa rin ang βinterest ratesβ nito para sa mga pinansyal na serbisyo sa mga MSE upang mapalakas ang βdevelopment at entrepreneurshipβ ng naturang sektor. | ulat ni Kathleen Jean Forbes