𝐏𝐂𝐆, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐀𝐑𝐂𝐇 𝐀𝐍𝐃 𝐑𝐄𝐒𝐂𝐔𝐄 πŒπˆπ’π’πˆπŽπ 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐖𝐀𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 π‡π„π‹πˆπ‚πŽππ“π„π‘ 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng search and rescue mission ang Philippine Coast GuardΒ (PCG) kaugnay sa napaulat na nawawalang helicopter.

Ayon kay Rear Admiral Armard Balilo, tagapagsalita ng PCG, nakipag-ugnayan na ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination CenterΒ (PARCC) sa PCG hinggil sa ulat na nawawala ang isang β€œyellow bee” helicopter na may tail number N45VX, na may lulang apat na indibiwal, kasama na ang piloto, 1 pasyente at 2 kaanak ng pasyente.

Base sa paunang impormasyon, may sinundong pasyente ang helicopter sa bahagi ng Mangsee Island, Miyerkules ng umaga.

Nawalan ito ng signal bandang 12:10 ng tanghali habang patungo sa Brookes Point Palawan.

Ayon pa kay Balilo, isinagawa ang search and rescue sa katubigan ng Brooke’s Point, Balabac, Palawan habang ipagpapatuloy naman ang search and rescue mission sa nawawalng helicopter sa Huwebes. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us