?????? ????????? ?? ????????? ?? ?????????? ?? ?????????? ??? ?????? ???????? ???. ??????, ?????????? ??

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ito ang ibinunyag ni Atty. Gerry Carillo, legal counsel ng pamilya ng pinaslang na Negros Oriental Governor Roel Degamo sa panayam ng Radyo Pilipinas Cebu.

Ayon kay Carillo, umaasa ang byuda ng pinaslang na gobernador na si Pamplona Mayor Janice Degamo na makatutulong ang mga nasabing ebidensya na kanilang nakalap sa pagtukoy ng mastermind sa pamamaril sa loob ng Degamo residential compound, Marso 4 ng umaga, na humantong sa pagkamatay ng siyam katao kabilang ang gobernador.

Dagdag ng abogado ng mga Degamo, ang Congressional inquiry ang kasalukuyan nilang pinaghahandaan at ang pagsumite ng petisyon para patalsikin sa House of Representatives si Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves ang kanilang susunod na hakbang.

Nanawagan naman ang kampo ng mga Degamo sa patuloy na pagtutok sa serye ng mga patayan sa kanilang lalawigan dahil ayon sa kanila, matagal na silang sumisigaw ng hustisya sa mga buhay na kinitil dahil sa mainit na girian sa pulitika sa kanilang lugar.

Naka-deploy ngayon ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines sa Negros Oriental matapos ang ginawang callout order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na pangasiwaan ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. ang pagpapanumbalik ng peace and order sa nasabing lalawigan. | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us