?????????? ?????? ????????, ?????? ?? ???? ????? ?? ????? ??????????? ??????? ???????? ?? ??????? ???? ?? ????? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula sa isang Koreanong pasahero mula sa Incheon International Airport ang dala nitong hindi deklaradong foreign currency.

Aabot sa halagang US$167,300 o humigit-kumulang P9.196-milyon ang dala ng nasabing Korean national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Bago isagawa ang pisikal na pagsusuri, hiniling sa mga pasahero na isumite ang kanilang Customs Baggage Declaration form at tinanong kung mayroon silang anumang bagay na hindi idineklara, na siyang itinanggi naman ng naturang Korean national.

Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng legal at investigation staff, Customs Police – NAIA ang banyaga para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng sampahan ng kaso laban sa kanya. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us