?????????? ?? ????? ?? ????? ?? ????? ?? ???????? ?? ????? ?? ??? ????????? ?????? ?? ?????????? ??? ????????? ??????? ???????? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad nagpalabas ng direktiba si Davao de Oro Gov. Dorothy Gonzaga para sa suspensyon ng klase ngayong araw sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong probinsiya ng Davao de Oro matapos ang naganap na mga payanig ngayong madaling araw.

Una ng niyanig ng lindol simula pa kaninang ala una ng madaling araw ang kung saan ang pinakamalakas ay magnitude 5.2 alas 4:43 a.m.

Ayon sa record ng Phivolcs, sentro ng lindol ang New Bataan sa Davao de Oro kung saan hanggang sa kasalukuyan ay nakakaranas pa rin ng mahinang aftershocks.

Kaugnay nito, suspendido ang klase sa nasabing probinsiya para i-check ang mga paaralan at istruktura upang masiguro ang estado ng mga ito matapos ang naganap na mga pagyanig.

Patuloy naman ang ginagawang monitoring ng mga LGU sa kani kanilang mga area of responsibility. | via Macel Dasalla | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us