? ????? ?? ??????? ?? ??????, ???????? ?? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration o BI sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ang 2 Pilipina na sinasabing biktima ng human trafficking.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, pasakay na sana ng eroplano patungong Kuala Lumpur sa Malaysia ang 2 Pinay sa NAIA Terminal 1 noong Marso 7 subalit hindi ito pinayagan ng kanilang mga tauhan.

Batay sa salaysay ng 2 Pilipina, mag-iistop over ang mga ito sa Malaysia at lilipat ng eroplano patungong Democratic Republic of Congo sa Central Africa.

Nabatid na iligal silang kinuha ng isa pang Pilipina na nagtratrabaho bilang mayordoma sa isang mayamang pamilya roon upang mamasukan bilang kasambahay kapalit ang malaking suweldo kahit pa kulang sila ng kaukulang dokumento.

Dahil dito, nagbabala si Tansingco sa mga sindikato ng human trafficking na bistado na ang kanilang modus na manghikayat ng mga kababayang nais magtrabaho sa ibayong dagat at patuloy ang kanilang gagawing hakbang para masawata ito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us