40% pagbaba ng murder rate sa nakalipas na 5 taon, iniulat ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba ng 40 porsyento ang mga kaso ng pagpatay sa bansa sa nakalipas na limang taon.

Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na mula 2018 hanggang 2022, nagkaroon ng tuloy-tuloy na pagbaba sa bawat taon.

Mula sa 7,121 murder cases noong 2018, bumaba ito sa 6,310 noong 2019, 5,490 noong 2020, 4,853 noong 2021, hanggang sa 4,272 na lang nitong 2022.

Ayon kay Azurin, sa kabila ng magandang statistika, marami pa ring dapat gawin upang mapigilan ang mga insidente ng pagpatay para maging mas ligtas ang komunidad.

Tiniyak naman ni Gen. Azurin na nakatutok ang PNP sa pagresolba ng mga iniulat na kaso ng pagpatay, upang mapanagot ang mga may sala. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us