Baclaran Church, patuloy na nananawagan ng donasyon para sa paglilinis ng tumagas na langis sa Oriental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagtanggap ng Baclaran Church ng mga donasyon tulad ng lumang damit at kumot.

Ito ay magagamit para mapigilan ang pagkalat ng oil spill mula sa Oriental Mindoro na kumalat na sa iba pang dalampasigan sa bansa.

Ayon kay Father Allen Edward Pandaan, mabilis tumugon ang publiko at patuloy ang pagdating ng donasyon.

Kabilang sa nagpadala ng donasyong damit ang Philippine Drug Enforcement Group

Ginagamit ang tela tulad ng damit at kumot panglinis ng langis sa dagat dahil naa-absorb nito ang langis. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us