Degamo slay case, malapit nang maresolba — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan nang magkakaroon ng major breakthrough sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa mga susunod na araw.

Ito ang inihayag ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng mahahalagang impormasyong nakalap nila sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Col. Jean Fajardo, mayroon na silang lead hinggil sa kung sino ang mastermind gayundin ang iba pang mga suspek sa karumal-dumal na krimen.

Kasunod nito, sinabi ng PNP na aalamin pa nila ang background ni Arnil Libradilla na napatay sa ikinasang hot pursuit operation ilang oras matapos mapatay si Governor Degamo.

Una kasing ibinunyag ng tagapagsalita ng Joint Task Force Negros na si Major Cenon Pancito na miyembro ng CPP-NPA si Libradilla. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us