Lumubog na MT Princess Empress, luma na ayon sa DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ngayong Huwebes ni SOJ Jesus Crispin Remulla na hindi na bago at luma na ang lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Taliwas sa naunang impormasyon na brand new at 2 taon pa lang ang edad ng lumubog na barko at base sa latest findings ng imbestigasyon, hindi na ito brand new dahil isa na itong rebuild scrap ship na dalawang beses binuo para maging oil tanker.

Una umanong ginawa o inayos ang barko bilang isang LPG carrier at ni-rebuild at pinahaba upang magsilbing oil tanker.

Ayon pa kay Remulla may misrepresentasyon umano sa kaso dahil noong naunang makipagpulong ito noong Sabado, sinabi ng may-ari ng barko na bago lamang ito at may 2 taon pa lang.

Isa rin sa sinisilip ngayon ng DOJ ang anggulo ng insurance dahil may malaking insurance ang barko.

Sinabi pa ni Remulla na may hawak na silang affidavit ng isang taong magpapatunay o nakakaalam sa likod ng pagkakagawa ng barko. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us