Mga estudyante, residente, manggagawa sa Makati, excited na sa diskwento sa pamasahe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagaman wala pang anunsyo kung kailan ipatutupad ang diskwento sa Jeep, UV Express, at bus ngayon pa lang ay nagpapasalamat na agad sila.

Bilang estudyante, malaking tulong anila ito sa kanila lalo pa’t nagtitipid sila ng todo.

Sinabi din ng mga pasahero na makatutulong ang diskwento sa pamasahe para may pangdagdag sa gastosin sa pagkain at pambayad sa kuryente at tubig.

Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na meron pang matitirang ₱2-bilyong pondo para sa service contracting program.

Imbis na libreng sakay, diskwento ang ipatutupad kung saan ibabalik sa pre-pandemic ang presyo sa pamasahe tulad sa jeep na ₱9. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us