𝐃𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆 πŠπˆπ“π€ πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 ππ”π–πˆπ’, πŒπ€π€π€π‘πˆππ† π†π€πŒπˆπ“πˆπ ππ€πŒππŽππƒπŽ 𝐒𝐀 π€π˜π”πƒπ€ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ 𝐍𝐆 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€π

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Marikina Representative Stella Quimbo ang pamamahagi ng ayuda sa mga Pilipino bilang tugon sa epekto ng inflation.

Sa pulong ng Kamara at economic managers, sinabi ni Quimbo na mayroong pa ring β€˜silver lining’ ang mataas na presyo ng bilihin.

Kung ibabatay aniya sa naitalang inflation noong Enero, dapat ay nakalikom ang pamahalaan ng dagdag na β‚±11.9-billion mula sa Value Added Tax (VAT).

Ang halagang ito ay maaaring pagkunan ng pandagdag pondo para sa ayuda program.

β€œThe BESF indicates that a one percentage point increase in inflation yields an additional β‚±30.4-billion pesos in revenues per year or about β‚±2.53-billion pesos per month. Applying this parameter, dahil nagtaas ng halos five percentage points ang inflation from the original four percent target, dapat nakalikom ang pamahalaan ng additional β‚±11.9-billion pesos mula sa VAT at iba pa sa buwan lamang ng January. This is the first point that we seek clarification on from the DBCC. Certainly, additional revenues brought about by inflation must be used to help ease the burden borne by our kababayans,” paliwanag ng economist-solon.

Babala ni Quimbo, posibleng madagdagan ng 2.58 million ang bilang ng mahihirap na Pinoy sa buong taon kung magtutuloy-tuloy ang mataas na food inflation rate.

Nitong Enero ay pumalo ang food inflation rate sa 11.2%.

Kaya mahalagang malaman kung ano ang mga dapat baguhin o idagdag sa mga β€œpoverty reduction programs” ng gobyerno.

Una nang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na mamamahagi ang pamahalaan ng β‚±1,000 na ayuda sa may 9.3 milyong β€˜poorest of the poor’ para ibsan ang epekto ng inflation. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us