ππ€πˆπƒ 𝐋𝐄𝐀𝐕𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π’π‚π‡πŽπŽπ‹-𝐑𝐄𝐋𝐀𝐓𝐄𝐃 π€π‚π“πˆπ•πˆπ“πˆπ„π’ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŒπ€π†π”π‹π€ππ†, πˆππˆππ€ππ€ππ”πŠπ€π‹π€ 𝐒𝐀 πŠπ€πŒπ€π‘π€

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ni Deputy Speaker Ralph Recto ang pagkakaloob ng 3-araw na β€œpaid leave” para sa mga empleyadong magulang upang makadalo sa β€œschool-related activities” ng kani-kanilang mga anak.

Sa ilalim ng House Bill 6966 o β€œSchool Visitation Rights Act” bibigyan ng pribilehiyo ang mga magulang na makibahagi sa educational o behavioral conferences ng mga bata.

Sakop nito ang mga empleyado na nasa serbisyo na hindi bababa sa 6 na buwan, at kung ang anak o bata ay pumapasok sa public o private pre-school, elementary at secondary schools.

Ang bata naman ay pwedeng biological, adopted o foster child, stepchild o legal ward.

Oobligahin ang mga empleyadong magulang o guardian na magsumite ng β€œdocumentation” o katibayan ng pagpunta sa eskwelahan ng anak o bata.

Kapag nabigong sumunod, maaaring isailalim sa kaukulang β€œdisciplinary procedures. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us