Tiniyak ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Brigadier General Romeo Caramat na wala silang sasantuhin sa paghahatid ng katarungan sa mga biktima ng krimen.
Ang pahayag ay ginawa ng opisyal matapos sampahan ng reklamo kahapon ng CIDG si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. at limang iba pa sa Department of Justice.
Kaugnay ito ng pagpatay kay Miguel Dungog, Lester βTom-Tomβ Bato at Pacito Libron noong 2019.
Kasama sa mga sinampahan ng kriminal na reklamo ang isang alyas βHannah Maeβ na sekretarya ni Rep. Teves, Richard Cuadra, alyas βBoy Cuadraβ; Jasper Tanasan alyas βBobong Tanasan”; Rolando Pinili alyas βIndayβ; at Alex Mayagma.
Ayon kay Brig. Gen. Caramat, si Cuadra at Pinili ang direktang akusado sa pagpatay sa mga biktima; habang sangkot si Tanasan at Mayagma dahil sa βindispenasable cooperationβ sa krimen.
Base aniya sa sinumpaang salaysay ng mga testigo, si Rep. Teves ang umanoβy mastermind ng krimen; at kasama din sa pagpaplano ang kanyang sekretarya na umanoβy siyang namahagi ng βoperational expenses.” | ulat ni Leo Sarne
πΈ: CIDG
