Comelec, naglabas na ng calendar of activities para sa Barangay at SK Elections sa darating na October 30

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas na ng Commission on Elections ang calendar of Activities para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na October 30.

Itoy base sa inilabas na resolusyon ng comelec en banc na ang opisyal na pagpa-file ng Certificate of Candidacy ng mga nais tumakbo ay gaganapin sa August 28 hanggang September 2.

Ayon sa poll body, base sa calendar of activities ay mag-uumpisa ang campaign period mula October 19 hanggang October 28.

Kaugnay nito na ipapatupad ang election period at gun ban mula August 28 hanggang November 29.

Samantala, ang pagsusumite ng SOCE ng bawat kandidato ay tatagal hangang November 29.

Kaya naman abiso ng Comelec sa mga kandidato sa naturang halalan na sumunod sa lahat ng alintuntunin at iwasan ang anumang karahasan sa nasabing mga aktibidad. I via AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us