P91k na halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga pulis sa Malabon City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit sa P91,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Malabon City.

Arestado sa nasabing operasyon sina Reynold Pasiga alyas Benok (Pusher), 29 taong gulang; Denmark Ramos (User), 35 taong gulang, Joselito Marquez alyas Epoy (User), 51 taong gulang at Ryan Rosas alyas Ayeng, 44 taong gulang.

Isinagawa ang buy-bust operation sa San Lorenzo Street, Brgy. Maysilo, Malabon City.

Nakuhang ebidensiya mula sa mga suspek ang nasa mahigit 13 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P91,800.

Reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act ang isasampa laban sa mga suspek. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us