PNP, nilinaw na may naka-duty na security detail kay Negros Oriental Gov. Degamo noong araw na paslangin ito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na apat lamang ang naka-assign na security detail para kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito’y ayon kay PNP Spokesperson, Police Col. Jean Fajardo matapos magpaliwanag kay PNP Chief, Police Gen. Rodolfo Azurin Jr ang apat na Police security ng gobernador na sinasabing missing in action noong araw na paslangin ito.

Ayon kay Fajardo, sa apat na naka-detail na PNP security kay Degamo, dalawa rito ang off duty, isa ang naka-duty habang ang isa naman ay na-late dahil sa may dinaluhang family gathering.

Magugunitang kinuwestyon ni Senador JV Ejercito kung bakit iisa lamang ang kasamang security detail ni Degamo nang walang habas siyang pagbabarilin ng mga suspek na naka-fatigue at bitbit ang matataas na kalibre ng baril.

Sinabi ni Fajardo na ilalahad dapat sana ito ng PNP Chief sa nakatakda sanang pagdinig ng Kamara hinggil sa kaso ng pagpatay kay Degamo.

Pero ayon kay Laguna Representative l Dan Fernandez, ipinagpaliban ang pagdinig upang bigyang-daan ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa naturang kaso. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us