Prayer room para sa mga empleyadong Muslim ng Kamara, inihahanda na para sa buwan ng Ramadan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang prayer room para sa mga empleyado at mga miyembrong Muslim ang inihahanda sa Kamara para sa panahon ng Ramadan.

Ayon kay Maguindanao 1st District with Cotabato City Rep. Bai Dimple Mastura, gagamitin ang Conference Room 6 sa Ramon V. Mitra building bilang Muslim prayer room sa buong buwan ng Ramadan.

Gagamitin rin aniya sana ang Andaya Hall kapag may sesyon ngunit magbe-break na ang Kongreso sa Miyerkules, March 22.

Personal na inasikaso ng lady solon ang layout maging ang mga materyales na kailangan sa naturang silid-dasalan bilang paghahanda sa opisyal na pagbubukas nito sa susunod na linggo.

“Yung sa Andaya [Hall], during session lang but unfortunately last day na rin ng session this Wednesday. Sa Mitra [Conference room 6] yung room for the whole month of Ramadan. Plan ko din i-launch siya on Wednesday” pagbabahagi ni Rep. Mastura

Ang Ramadan ay isang banal na buwan ng pag aayuno para sa mga kapatid nating Muslim.

Nagsisimula ito sa Hilal o unang pagpapakita ng crescent moon sa ika siyam na buwan ng Lunar Muslim calendar. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us