Sen. Poe, umaasang mas magiging maayos ang takbo ng NAIA sa planong pagsamahin sa isang terminal ang domestic flights

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe ang hakbang ng Manila International Airport Authority (MIAA), na ilipat ang lahat ng domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Ayon kay Poe, magandang hakbang ito para ma-maximize ang kapasidad ng ating mga paliparan at matiyak na magiging komportable ang mga biyahero.

Kasabay nito ay pinatitiyak ng senador sa airport officials at airlines, na masisiguro na magkakaroon ng seamless transition dito.

Kailangan aniyang masiguro na walang flights na maaabala, hindi ito magiging dahilan ng mga delay sa flight, at hindi maaabala ang mga pasahero.

Binigyang diin rin ng mambabatas, na kailangan ng maigting na information dissemination, at assistance para sa publiko kaugnay ng transition na ito.

Umaasa si Poe, na ang bagong terminal assignment na ito ay magbubunga ng totoo, mas maayos at episyenteng airport experience para sa mga biyahero. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us