Caloocan LGU, nagkaloob ng walong mobile patrol cars sa Caloocan Police

Walong bagong mobile patrol cars ang ipinagkaloob ng Caloocan City Government sa Caloocan City Police. Mismong si City Mayor Dale Gonzalo Malapitan ang personal na nag turnover ng 8 modernong patrol vehicles kay Caloocan City Police Chief PCol. Ruben Lacuesta. Dahil dito, asahan nang mapapalakas pa ang mga kakayahan ng city police sa public safety… Continue reading Caloocan LGU, nagkaloob ng walong mobile patrol cars sa Caloocan Police

Caloocan LGU, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng batang nahulog sa imburnal

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Caloocan City Local Government sa pamilya ng tatlong taong gulang na batang nasawi matapos aksidenteng mahulog sa imburnal nitong Sabado. Bumisita na ang mga kawani ng Caloocan City Social Welfare and Development Department (CSWDD) sa pamilya ng bata sa Brgy. 176 kung saan nagpaabot ito ng pakikiramay gayundin ng… Continue reading Caloocan LGU, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng batang nahulog sa imburnal

Paglilinis sa public cemeteries sa Caloocan City, sinimulan na para sa paghahanda ng Undas 2023

Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang paghahanda para sa Undas ngayong taon. Ayon sa LGU, lahat ng public cemeteries ay sumailalim na sa cleaning operations ng City Environmental Management Department (CEMD) at Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD). Sa ngayon, nasa mahigit 70 porsyento ng lahat ng public cemeteries ang tapos nang… Continue reading Paglilinis sa public cemeteries sa Caloocan City, sinimulan na para sa paghahanda ng Undas 2023

Caloocan LGU, may alok na libreng cervical cancer screening sa mga kababaihan ngayong buwan Setyembre

Magbibigay ng libreng cervical cancer screening at detection tests ang lahat ng city health centers ng Caloocan City Health Department sa buong buwan ng Setyembre. Ang alok na ito ng City government ay itinaon sa pagsisimula ng Cervical Cancer Awareness Month ngayong buwan. Hinikayat ni City Mayor Dale Gonzalo Malapitan ang mga kababaihan na samantalahin… Continue reading Caloocan LGU, may alok na libreng cervical cancer screening sa mga kababaihan ngayong buwan Setyembre

Higit 12,000 pamilya sa Caloocan City, mabibigyan ng murang pabahay -DHSUD

Umaasa ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magkaroon ng mura at disenteng pabahay ang mga mahihirap na pamilya sa Caloocan City. Sa ulat ng DHSUD, target ng lokal na pamahalaan na makapagpatayo ng 24 na gusali na housing project sa Bankers at Deparo, Caloocan. Humigit-kumulang 12,064 pamilya ang inaasahang makikinabang dito.… Continue reading Higit 12,000 pamilya sa Caloocan City, mabibigyan ng murang pabahay -DHSUD

Malaking bahagi ng Caloocan City, mawawalan ng suplay ng tubig -Maynilad

Maraming barangay sa Caloocan City ang mawawalan ng suplay ng tubig. Sa abiso ng Maynilad Water Services, may gagawing maintenance activities sa mga apektadong lugar simula bukas, Hunyo 5 hanggang 10. Pinapayuhan ang mga maaapektuhang kostumer na mag-imbak ng sapat na tubig sa panahong nararanasan ang water interruption. Tiniyak naman ng Maynilad na magdedeploy ito… Continue reading Malaking bahagi ng Caloocan City, mawawalan ng suplay ng tubig -Maynilad

Dating pulis na wanted sa kasong child abuse, arestado sa Caloocan City

Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng nga tauhan ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang dating pulis sa Brgy. 34, Caloocan City. Kinilala ang akusado na si Melchor Santos na wanted sa kasong child abuse. Ayon kay PMaj. Dave Garcia, deputy commander ng MPD-SMaRT, dating naka-destino si Santos… Continue reading Dating pulis na wanted sa kasong child abuse, arestado sa Caloocan City

Mag-live in partner sa Caloocan City, natagpuang patay sa pananaksak

Nagtagpuang patay ang maglive-in partner matapos umanong magsaksakan sa loob ng kanilang bahay sa Phase 4 Package 6 Barangay. 176, Caloocan City. Kinilala ang mga nasawi na sina Julieta Espaniola, 46 anyos, at ang kinakasama nitong si Edgardo Mananqui, 50 anyos. Ayon sa mga tauhan ng Barangay 176, alas-8:30 ng umaga kanina nang madiskubre ang… Continue reading Mag-live in partner sa Caloocan City, natagpuang patay sa pananaksak

43 anyos na babaeng tulak ng droga arestado sa Caloocan City

Sa kulungan bagsak ng isang babaeng umano’y tulak ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan City. Kinilala ang 43 anyos na suspek na si Rizalie Ando alyas Tariray (Pusher). Isinagawa ang nasabing operasyon sa Sta. Rita Road, Barangay 188, Caloocan City. Nakuhang ebidensiya mula sa suspek ang nasa 15 gramo… Continue reading 43 anyos na babaeng tulak ng droga arestado sa Caloocan City