?????-??????? ????? ??????? ?????? ?????? ?? ?????? ?????, ????????? ?? ????? ?????????? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad na ng isang healthcare company ang micro finance credit app nito sa mga mayroong mobile phone.

Ito ay upang tulungan ang mga Pinoy na walang kakayahan na makabili ng gamot, makapagpa-ospital sa panahon ng biglaang pangangailangan.

Ang SureSurv mobile app ay mayroong initial na โ‚ฑ3,000 na agad magagamit para makabili ng gamot at makapagpatingin sa doktor.

Sa naturang mobile app, makikita agad doon kung anong mga accredited drug store, klinika, at ospital ang agad pwede mapaggamitan ng naturang micro finance healthcare app.

Kailangan lamang i-download sa mga mobile phone ang SureSurv app para makakuha ng serbisyo ng naturang kompanya.

Ito ay nasa Play Store at App Store ng mga Android phone at iPhone. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us