Mga Pilipinong mamamasukan bilang household worker sa Saudi Arabia, di na kailangang tumira sa bahay ng amo — DMW

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na hindi na kailangang tumira sa bahay ng kanilang mga amo ang mga Pilipinong mamasukan bilang household worker sa Saudi Arabia. Ito’y makaraang ilabas ng DMW ang guidelines para sa job order for residential support workers salig sa inilabas nitong Memorandum Circular no. 5. Ayon kay DMW Undersecretary… Continue reading Mga Pilipinong mamamasukan bilang household worker sa Saudi Arabia, di na kailangang tumira sa bahay ng amo — DMW

PNP, handang umalalay sa ikinakasang support rally ng Iglesia ni Cristo

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nito sa pagbibigay seguridad at pag-alalay sa ikinakasang pagkilos ng religious group na Iglesia ni Cristo. Ito’y bilang pagsuporta ng INC sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kontrahin ang mga planong paghahain ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay PNP Public… Continue reading PNP, handang umalalay sa ikinakasang support rally ng Iglesia ni Cristo

Pagbagal ng rice inflation nitong Nobyembre, ipinagmalaki ng NEDA

Ipinagmalaki ng National Economic and Development Authority (NEDA) na epektibo ang mga ipinatupad na polisiya ng pamahalaan sa sektor ng kalakalan gaya ng pagpapataw ng mababang taripa sa mga inaangkat na bigas. Ito’y makaraang maitala ang pagbagal ng rice inflation sa kabila ng pagbilis ng headline inflation rate ng Pilipinas nitong buwan ng Nobyembre. Ayon… Continue reading Pagbagal ng rice inflation nitong Nobyembre, ipinagmalaki ng NEDA

MRT-3, inilabas na rin ang adjusted na iskedyul para sa holiday season

Inanunsyo na ng pamunuan ng DOTr-MRT-3 ang adjusted na iskedyul ng biyahe ng mga tren ngayong holiday season. Sa inilabas nitong abiso, extended ang operasyon ng tren mula December 16-23, kung saan magiging 10:34 pm ang huling biyahe ng tren sa North Avenue Station, at 11:08 pm naman sa Taft Avenue Station. Samantala, mas maikli… Continue reading MRT-3, inilabas na rin ang adjusted na iskedyul para sa holiday season

DA, umaasa sa tuloy-tuloy na pagbaba ng rice inflation sa bansa

Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na magpapatuloy ang pagbaba ng inflation sa bansa sa buwan ng Disyembre. Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, bagamat bahagyang bumilis ang inflation nitong Nobyembre, tuloy pa rin ang downward trend pagdating sa rice inflation. Sa tala ng PSA, nanatili ito sa single digit level na… Continue reading DA, umaasa sa tuloy-tuloy na pagbaba ng rice inflation sa bansa

Presyo ng bigas, patuloy na bumababa — PSA

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang patuloy na pagbaba sa presyo ng bigas nitong Nobyembre. Ayon sa PSA, nagkaroon ng tapyas sa presyo ng regular at well-milled, pati na special rice noong nakaraang buwan. Nasa halos piso ang ibinaba sa bentahan ng regular milled rice na mula sa ₱50.22 ay bumaba na sa ₱49.24… Continue reading Presyo ng bigas, patuloy na bumababa — PSA

Top rice importers sa bansa, ipapatawag ng Quinta Committee

Pahaharapin ng Murang Pagkain Super Committee o Quinta Committee sa kanilang susunod na pagdinig ang top rice importers sa bansa. Ayon kay Overall Chair Joey Salceda, kung pagbabatayan kasi ang landed price ng imported na bigas kasama na ang ipinataw na taripa at iba pang fee, dapat ay nasa ₱36 na lang ito kada kilo.… Continue reading Top rice importers sa bansa, ipapatawag ng Quinta Committee

Impeachment proceedings, posibleng makaapekto sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa Pilipinas, ayon kay SP Escudero

Hindi kinakaila ni Senate President Chiz Escudero na posibleng maapektuhan ng impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan o business sector sa Pilipinas. Tugon ito ng mambabatas sa pangamba ng ilan na baka ma-discourage ang mga foreign investors na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa mga kaganapan sa pulitika ng… Continue reading Impeachment proceedings, posibleng makaapekto sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa Pilipinas, ayon kay SP Escudero

Senate President Chiz Escudero, nilinaw na pwedeng magkaroon ng impeachment proceedings kahit session break

Pinaliwanag ni Senate President Chiz Escudero na posible pa ring magkaroon ng impeachment trial kahit pa naka session break ang kongreso. Ayon kay Escudero, ang impeachement process ay hindi naman isang sesyon na kailangang sabay din sa na nagsesesyon ang kamara. Kakaiba aniya ang impeachment proceedings dahil ito ay pagpapasyahan ng impeachment court. Giniit ng… Continue reading Senate President Chiz Escudero, nilinaw na pwedeng magkaroon ng impeachment proceedings kahit session break

Panukalang batas para maprotektahan ang mga endorsers laban sa investment scams, inihain sa senado

Naghain si Senador Robin Padilla ng isang panukalang batas upang patawan ng parusa ang mga gumagawa ng investment scam at magtitiyak na hindi madadamay dito ang mga celebrity endorsers. Layon ng Senate Bill 2889 ni Padilla na iwasang maulit ang nangyari sa artistang si Nerizza “Neri” Naig-Miranda, na inaresto dahil sa reklamong syndicated estafa at… Continue reading Panukalang batas para maprotektahan ang mga endorsers laban sa investment scams, inihain sa senado