Nasamsam ng mga pulis ang P8.16-M halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Zone 6, Brgy. Buhang, Jaro Iloilo City ngayong hapon. Arestado sa operasyon sina Estrelita Bueno, alyas Madam Ester, 68 taong gulang at residente ng Abbey Road, Bagbag Sauyo, Novaliches, Quezon City at siyang regional priority target ng mga pulis; […]
Hindi malayo na mahigitan pa ng MT Princes Empress ang compensation claim sa lumubog na MT Solar sa Guimaras noong 2006. Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, nasa P1.1 billion ang danyos na binayaran ng MT Solar sa may 26,000 mahigit na compensation claims. Kaya naman kung ikokonsidera ang inflation at lawak ng pinsala […]
Aabot na sa 19,895 na mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro at Antique ang kasalukuyang benepisyaryo ng Cash-for-Work (CFW) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layon ng CFW program na bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga pamilyang natigil ang kabuhayan dulot ng oil spill lalo na ang mga mangingisda. Idinideploy […]
Kinumpirma ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na umabot na sa 155 pampublikong paaralan sa Masbate ang pansamantalang nagpapatupad ng distance learning, dulot ng bakbakan sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA). Ayon kay VP Sara, naapektuhan ang 55,199 learners at 2,815 school personnel mula sa anim na bayan dahil sa […]
Aabot na sa higit P78 milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang LGUs sa mga lalawigang naapektuhan ng oil spill. Kabilang sa naabutan ng ayuda ang mga residente mula sa 157 na apektadong barangay sa MIMAROPA at Western Visayas. Kahapon lang, nagsagawa ang DSWD Field Office MIMAROPA […]
Patuloy ang pagtanggap ng Baclaran Church ng mga donasyon tulad ng lumang damit at kumot. Ito ay magagamit para mapigilan ang pagkalat ng oil spill mula sa Oriental Mindoro na kumalat na sa iba pang dalampasigan sa bansa. Ayon kay Father Allen Edward Pandaan, mabilis tumugon ang publiko at patuloy ang pagdating ng donasyon. Kabilang […]
Iniulat ni Department of National Defense Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. na nakakolekta na ng mahigit 10 libong litro ng magkahalong langis at tubig at 72 tonelada ng oil-contaminated debris sa patuloy na isinasagawang oil spill cleanup sa Oriental Mindoro. Matapos magsagawa ng inspeksyon kahapon sa mga apektadong lugar, sinabi ng kalihim […]
Kasado na ang kampanya para sa Culture of Security ng Davao City na nakatakdang ilunsad sa mga paaralan dito sa lungsod sa pangunguna ng Task Force Davao. Sinabi ni Task Force Davao Commander Col. Darren Comia, ito ay bahagi lang ng kanilang mga hakbang para mapalaganap sa lahat ng sektor ang kampanya sa seguridad para […]
Ang Kadiwa on Wheels na bumibili ng ani ng magsasaka at nagbebenta ng produktong agrikultural sa mababang halaga ay nagpunta kahapon sa Municipal Amphi Theater upang magbenta ng bigas, asukal, mantika, karne ng baboy, manok, mga sariwang isda, pinatuyong isda, mga de-latang produkto, prutas, gulay, rootcrops, itlog at iba pang pangunahing bilihin sa murang halaga. […]
Namahagi ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa 2,007 mga magsasaka sa Ayala District ng lungsod kamakailan. Nakatanggap ng P2,000 ang bawat magsasaka mula sa Assistance In Crisis Situation (AICS) Program ng lokal na pamahalaan kung saan layong matulungan ang mga itong makabangon muli matapos masira ang kanilang mga pananim sa naranasang […]