14 volcanic earthquakes at isang volcanic tremor sa Bulkang Bulusan, naitala ng PHIVOLCS sa nakalipas na 24 oras

Makalipas ang halos tatlong linggo mula nang pumutok ang Bulkang Bulusan, nakapagtala ang PHIVOLCS sa nakalipas na 24 oras ng 13 volcanic earthquakes na may kasamang isang (1) volcanic tremor na tumagal ng 39 minuto ayon sa kanilang pinakahuling ulat ngayong umaga, May 16, 2025. Nasa 679 tonelada kada araw ang ibinugang sulfur dioxide flux… Continue reading 14 volcanic earthquakes at isang volcanic tremor sa Bulkang Bulusan, naitala ng PHIVOLCS sa nakalipas na 24 oras

2 Pulis, patay matapos tamaan ng kidlat sa Oriental Mindoro

Patay ang dalawang pulis matapos tamaan ng kidlat habang naka-duty sa loob ng kampo sa Naujan, Oriental Mindoro, kagabi. Sa ulat ng Police Regional Office 4B (MIMAROPA) sa Kampo Crame, kinilala ang mga nasawi na sina Pat. Samarita Lomio at Pat. Ruzzel Jay Ferer Fontarum, na kapwa nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion Headquarters sa… Continue reading 2 Pulis, patay matapos tamaan ng kidlat sa Oriental Mindoro

Halalan sa Sorsogon, generally peaceful—Sorsogon Police Provincial Office

Maituturing na isa sa pinakatahimik na eleksyon sa kasaysayan ng Sorsogon ang ginanap na halalan noong Lunes, ayon sa Sorsogon Police Provincial Office. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Albay kay PCOL. Alex C. Daniel, ang Provincial Director ng Sorsogon PPO, walang naitalang election-related violence o insidente sa buong probinsya ngayong araw ng eleksyon. Bagama’t may… Continue reading Halalan sa Sorsogon, generally peaceful—Sorsogon Police Provincial Office

LTO, pagpapaliwanagin ang isang vlogger dahil sa viral na “Superman” motorcycle stunt

Nag-isyu na ng Show Cause Order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang online vlogger dahil sa ginawang “Superman” motorcycle stunt, sa Aklan Province. Binigyan lamang ng limang araw si Jimmy Lagunday Catarata ng barangay San Isidro, Ibajay, Aklan para magpaliwanag ukol sa insidente. Sa imbestigasyon, walang driver’s license si Catarata habang nagmamaneho ng… Continue reading LTO, pagpapaliwanagin ang isang vlogger dahil sa viral na “Superman” motorcycle stunt

Higit 400 kilos ng campaign waste, nakolekta sa unang araw ng “Limpyo Eleksyon 2025” ng Iloilo Provincial Government

📷 Iloilo Provincial Government Ngayong tapos na ang halalan, kumikilos naman ngayon ang Iloilo Provincial Government para linisin ang kalat na iniwan ng kampanya. Sa unang araw pa lang ng “Limpyo Eleksyon: Operation Baklas,” higit 400 kilos ng election waste materials na ang natanggal mula sa iba’t ibang distrito ng lalawigan. Pinangunahan ng Iloilo Provincial… Continue reading Higit 400 kilos ng campaign waste, nakolekta sa unang araw ng “Limpyo Eleksyon 2025” ng Iloilo Provincial Government

DA, wala pang naiulat na pinsala sa sektor ng agrikultura sa muling pagputok ng Mt. Kanlaon

Wala pang ulat ng panibagong pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan nang muling pumutok ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands. Gayunman, patuloy pang mino-monitor ng Department of Agriculture (DA) ang sitwasyon para malaman ang epekto ng huling pagsabog. Nakipagkoordinasyon na ang DA Field Office sa National at Regional DRRM-Related Offices, gayundin sa local government… Continue reading DA, wala pang naiulat na pinsala sa sektor ng agrikultura sa muling pagputok ng Mt. Kanlaon

Pagtukoy sa ranking ng dalawang kandidatong parehong nanguna sa pagkakonsehal sa Nueva Vizcaya, idinaan sa coin toss

Kinailangang daanin sa coin toss ang pagtukoy sa ranking ng dalawang konsehal sa bayan ng Solano, sa Nueva Vizcaya makaraang magtabla sa resulta ng halalan. Pareho ang nakuhang boto nina Dr. Clifford Tito, isang optometrist, at Thomas Dave Santos na isa namang negosyante — kapwa 27 taong gulang at nanguna sa pagka-konsehal sa katatapos na… Continue reading Pagtukoy sa ranking ng dalawang kandidatong parehong nanguna sa pagkakonsehal sa Nueva Vizcaya, idinaan sa coin toss

Islang bayan ng Pangutaran, natitirang lugar sa Sulu na hindi pa nakapagtransmit ng resulta ng botohan sa PBOC

Nag-recess na muna ngayon ang Provincial Board of Canvassers matapos bilangin ang mga nai-transmit na boto mula sa Tapul, Indanan at Siasi sa pagpapatuloy ng pagcanvass nito ng resulta ng 2025 National at Local Elections nitong Lunes. Umaasa na mai-transmit na rin ang resulta ng botohan sa Pangutaran sa pagre-convene ng PBOC sa Sumadja Hall,… Continue reading Islang bayan ng Pangutaran, natitirang lugar sa Sulu na hindi pa nakapagtransmit ng resulta ng botohan sa PBOC

Mga residente malapit sa Bulkang Kanlaon, pinagi-ingat ng pamahalaan, kasunod ng pinakahuling aktibidad ng bulkan

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente ng Negros kaugnay sa ibinubugang pyroclastic density currents ng Bulkang Kanlaon. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na delikado ito dahil kumbinasyon ito ng gas, volcanic ash, at volcanic debris. Ayon sa opisyal, kaya nitong sunugin ang mga taniman,… Continue reading Mga residente malapit sa Bulkang Kanlaon, pinagi-ingat ng pamahalaan, kasunod ng pinakahuling aktibidad ng bulkan

AFP at COMELEC, nagkaisa sa pagbabantay sa araw ng halalan sa Sulu

Nagsagawa ng magkasamang inspeksyon sa mga sentro ng botohan sa Sulu si MGen Leonardo I. Peña, kumander ng 11th Infantry “Alakdan” Division at Joint Task Force Orion, kasama si Atty. Vidzfar Julie, provincial election supervisor ng Commision on Elections (COMELEC) Sulu. Layunin ng kanilang pagbisita na tiyakin ang seguridad at integridad ng proseso ng halalan… Continue reading AFP at COMELEC, nagkaisa sa pagbabantay sa araw ng halalan sa Sulu