House Speaker Romualdez, ipinaabot ang pakikiramay sa Filipino Community sa Vancouver

CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v80), quality = 90?

Inihayag ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang maigting na pakikiramay sa mga Pilipinong nasa Vancouver, Canada, kasunod ng malagim na insidente sa pagdiriwang ng Lapu-Lapu Day na nauwi sa pagkamatay ng ilang katao at pagkasugat ng marami. Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Romualdez na kaisa ang Kamara sa pagdadalamhati sa naiwang sugat ng… Continue reading House Speaker Romualdez, ipinaabot ang pakikiramay sa Filipino Community sa Vancouver

DSWD, handang tumugon sa mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Bulusan

Nakaalerto na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at handang tumulong sa mga Bicolano sakaling magpatuloy at lumala ang pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan. Sa ngayon, may mahigit 180,000 family food packs (FFPs) ang nakahanda na sa DSWD Field Office 5–Bicol Region. Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit 25,000 kahon ng… Continue reading DSWD, handang tumugon sa mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Bulusan

Higit ₱220-M relief assistance ng DSWD Bicol, nakahanda na para sa Bulkang Bulusan

Naglaan ang Department of Social Welfare and Development Field Office V (DSWD Bicol) ng kabuuang ₱220,457,441.75 na halaga ng relief resources bilang bahagi ng paghahanda sa maaapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan, ngayong araw, Abril 28, 2025. Batay sa datos ng DSWD, kabilang sa nakahandang ayuda ang 180,838 family food packs (FFPs) at 28,272 non-food… Continue reading Higit ₱220-M relief assistance ng DSWD Bicol, nakahanda na para sa Bulkang Bulusan

Advance firefighting at emergency response techniques, pinapasama ng isang mambabatas sa Modernization Program ng BFP

Hinimok ni Representative Brian Raymund Yamsuan ang bagong talagang hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) na si Fire Director Jesus Piedad Fernandez na tiyaking hindi lamang sapat na protective gear ang mailalaan sa mga bumbero, kundi maging bihasa rin sila sa advanced firefighting at emergency response techniques bilang bahagi ng modernisasyon ng ahensya. Umaasa… Continue reading Advance firefighting at emergency response techniques, pinapasama ng isang mambabatas sa Modernization Program ng BFP

DICT, kaisa sa digital nomad visa program ni Pangulong Marcos Jr.

Pinuri ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-apruba ng Digital Nomad Visa (DNV) program. Ayon sa kalihim, maituturing itong isang malaking hakbang tungo sa isang future-ready at digital-first na Bagong Pilipinas. Sa ilalim ng Executive Order No. 86 na nilagdaan noong April 24,… Continue reading DICT, kaisa sa digital nomad visa program ni Pangulong Marcos Jr.

₱20 kada kilo ng bigas, ilulunsad na ng DA sa unang linggo ng Mayo

Sinisikap ng Department of Agriculture (DA) na mapabilis ang pagsisimula ng bentahan ng ₱20 kada kilong NFA rice sa Visayas. Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., na sa unang linggo ng Mayo ang target na launching ng programa. Sa lalawigan ng Cebu ilulunsad ang pilot run ng ₱20 kada kilong bigas. Una nang inatasan… Continue reading ₱20 kada kilo ng bigas, ilulunsad na ng DA sa unang linggo ng Mayo

Bulkang Bulusan, nasa Alert Level 1 na — PHIVOLCS

Itinaas na ng PHIVOLCS sa Alert Level 1 o Low-Level Unrest ang Alert status ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, Bicol. Kasunod ito ng phreatic eruption na naganap sa Bulkan kaninang 4:36 AM at tumagal ng 24 na minuto. Ayon sa PHIVOLCS, dahil sa pagputok ng bulkan, apektado ng ashfall ang mga Barangay Cogon at Bolos… Continue reading Bulkang Bulusan, nasa Alert Level 1 na — PHIVOLCS

Alert Level 1, itinaas na sa Bulkang Bulusan

Itinaas na ng PHIVOLCS sa Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan ngayong araw matapos maitala kaninang alas 4:36 ng umaga ang phreatic eruption. Ayon kay April Dominguiano, ang Resident Volcanologist ng PHIVOLCS Bulusan Volcano Observatory, umabot sa 4,500-metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan mula sa crater nito na napadpad west southwest ng bulkan.… Continue reading Alert Level 1, itinaas na sa Bulkang Bulusan

Kumpanyang sinasabing nasa likod ng pro-China troll farms, posibleng mapatawag sa Senado

Sinabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na posibleng ipatawag sa pagdinig ng Senado ang itinuturong kumpanyang binayaran ng Chinese Embassy para magpakalat sa social media ng mga naratibong sumusuporta sa China kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea. Tinutukoy ng senador ang kumpanyang Infinitus Marketing Solutions Inc., na una na niyang isiniwalat sa nakaraang… Continue reading Kumpanyang sinasabing nasa likod ng pro-China troll farms, posibleng mapatawag sa Senado

Inter-Agency Maritime Operation sa Cay1, 2, 3 ng PAGASA Island, isinagawa; Barko ng China Coast Guard at Maritime Militia Vessels namataan

Nakumpleto ng National Task Force West Philippine Sea (NTF-WPS) ng kanilang Inter-Agency Maritime Operation sa PAGASA Cay 1, 2, at 3. Ito ay ang ang mabababaw na bahura o pulo na binubuo ng mga durog na coral reef. Binubuo ito ng apat na composite teams sa pagtutulungan ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG), at… Continue reading Inter-Agency Maritime Operation sa Cay1, 2, 3 ng PAGASA Island, isinagawa; Barko ng China Coast Guard at Maritime Militia Vessels namataan