Higit ₱18.3-M pagkakautang ng ARBs sa Camarines Sur, pinatawad na ng DAR

Hindi na mag-aalala sa pagkakautang sa kanilang mga sakahan ang higit sa 300 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Caramoan. Kasunod ito ng paggawad ng 542 Certificate of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoM) ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nagpawalang-bisa sa ₱18.3 milyon na utang ng mga ito para sa 1,012 ektarya ng sakahan.… Continue reading Higit ₱18.3-M pagkakautang ng ARBs sa Camarines Sur, pinatawad na ng DAR

Sen. Raffy Tulfo, tiniyak na walang mababawas sa sweldo ng mga marino sa ilalim ng Magna Carta of Filipino Seafarers

Pinabulaanan ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo ang mga impormasyon na kumakalat sa social media na mababawasan ang sweldo ng mga seafarer sa ilalim ng Magna Carta of Filipino Seafarers. Sa naging pagdinig ng kanyang komite, binigyang-diin ni Tulfo na walang probisyon sa batas (RA 12021) na nagsasabing bababa ang sweldo… Continue reading Sen. Raffy Tulfo, tiniyak na walang mababawas sa sweldo ng mga marino sa ilalim ng Magna Carta of Filipino Seafarers

House leader, nagbabala sa mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon para magdulot ng political tension

Nagbabala si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. sa mga indibidwal o grupo na nagpapakalat ng mga maling impormasyon para magdulot ng political tension. Ito’y kasunod ng pahayag umano ng negosyanteng si Rodolfo “Bong” Pineda, mula sa pamilya Pineda sa Pampanga laban kay Gonzales. Sinabi ng kongresista, hindi siya naniniwala na gagawin ito ni Pineda… Continue reading House leader, nagbabala sa mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon para magdulot ng political tension

Mga mamimili sa Kadiwa, umaasang makarating din sa Metro Manila ang P20 kada kilong bigas

Inaantabayan na rin ng mga suki ng Kadiwa ang pagiging available ng mas murang bigas sa Metro Manila. Kasunod ito ng anunsyo ng DA na sisimulan na nito ang pagbebenta ng P20 kada kilong bigas sa Visayas Region. Sa Kadiwa Center sa BAI, Visayas Ave., Quezon City, nananatiling mabenta ang P29 kada kilong NFA rice… Continue reading Mga mamimili sa Kadiwa, umaasang makarating din sa Metro Manila ang P20 kada kilong bigas

DSWD, inihahanda na ang pagpapatupad ng supplementary feeding program sa Hunyo

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paghahanda para sa nationwide implementation ng Supplementary Feeding Program sa pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo. Ayon sa DSWD, mahigit sa P5.18 bilyong pondo ang inilaan ng kagawaran para sa programa ngayong taon. Sa ilalim nito, target na mapakain at mabigyan ng gatas… Continue reading DSWD, inihahanda na ang pagpapatupad ng supplementary feeding program sa Hunyo

Imbestigasyon ng PNP-IAS sa ilang pulis-QC, suportado ng NAPOLCOM

Hindi na manghihimasok ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa isinasagawang imbestigasyon ngayon ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) laban sa ilang mga inirereklamong opisyal ng Quezon City Police District (QCPD). Sa isang pahayag, sinabi ni NAPOLCOM Vice Chair at Executive Officer Atty. Rafael Calinisan na tiwala ito sa kakayahan ng IAS na maresolba ang… Continue reading Imbestigasyon ng PNP-IAS sa ilang pulis-QC, suportado ng NAPOLCOM

PNP chief, pinuri ang mabilis na paglutas sa mga kaso ng pagdukot sa ilang high-profile na personalidad

Hindi kailanman matitinag ang Philippine National Police (PNP) sa pagtugis at pagpapanagot sa mga nasa likod ng krimen, partikular na ang kidnapping. Ito’y makaraang maaresto ng mga pulis ang dalawang suspek na nasa likod ng pagdukot sa isang high-profile na indibiduwal. Nag-ugat ang operasyon nang dukutin ang isang 41-anyos na Chinese national noong April 18… Continue reading PNP chief, pinuri ang mabilis na paglutas sa mga kaso ng pagdukot sa ilang high-profile na personalidad

Decommissioned BRP Miguel Malvar, palulubugin sa Maritime Strike Exercise na bahagi ng Balikatan 2025

Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatakdang palubugin ang decommissioned vessel ng Pilipinas na BRP Miguel Malvar. Kasabay ito ng Maritime Strike Exercise na bahagi ng nagpapatuloy na Balikatan 2025 o ang malakihang pagsasanay ng mga tropang militar ng Pilipinas at Amerika. Ayon sa Balikatan Committee, magiging target ng MARSTRIKE ang pagpapalubog… Continue reading Decommissioned BRP Miguel Malvar, palulubugin sa Maritime Strike Exercise na bahagi ng Balikatan 2025

Integridad at propesyonalismo sa hanay ng pulisya, kailangang palakasin — PNP-IAS

Aminado ang Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) na may pangangailangan na palakasin ang integridad at propesyonalismo sa hanay ng pambansang pulisya. Ito ang inihayag ni PNP-IAS Inspector General, Atty. Brigido Dulay sa gitna na rin ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng ilan sa mga alagad ng batas. Ayon kay Atty. Dulay, puro “basic… Continue reading Integridad at propesyonalismo sa hanay ng pulisya, kailangang palakasin — PNP-IAS

DOF, naglabas ng bagong patakaran para pabilisin ang pag-avail ng tax incentives sa edukasyon

Naglabas ng bagong revenue regulations ang Department of Finance (DOF) upang pasimplehin at pabilisin ang proseso ng pag-avail ng tax incentives para sa sektor ng edukasyon. Layunin nito na hikayatin ang mas maraming pribadong sektor na mamuhunan sa pagpapalago ng human capital ng bansa. Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, bibigyang prayoridad nito ang edukasyon… Continue reading DOF, naglabas ng bagong patakaran para pabilisin ang pag-avail ng tax incentives sa edukasyon