Ika-apat na araw ng Certificate of Candidacy filing, nanatiling payapa — PNP

Nanatiling mapayapa at maayos ang sitwasyon sa mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa apat na araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC). Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, wala silang natanggap na anumang report ng tensyon o gulo sa buong bansa kaya maituturing na “relatively peaceful” ang… Continue reading Ika-apat na araw ng Certificate of Candidacy filing, nanatiling payapa — PNP

PNP-IAS, sinimulan na ang imbestigasyon sa kaso ni dating Retired Gen. at PCSO Board Secretary Wesley Barayuga

Pormal nang sinimulan ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang imbestigasyon sa pagkamatay ni dating Retired Gen. at PCSO Board Secretary Wesley Barayuga. Ayon kay PNP IAS Inspector General Dodo Dulay, magiging malawak ang sakop ng imbestigasyon na kanilang isasagawa simula sa mga pahayag na inilabas sa House Quad Committee. Bukod sa mga… Continue reading PNP-IAS, sinimulan na ang imbestigasyon sa kaso ni dating Retired Gen. at PCSO Board Secretary Wesley Barayuga

Pulis at truck driver sa viral road rage, nagkaayos na; Imbestigasyon sa pulis, tuloy pa rin

Nagkasundo na sa barangay ang sinibak na pulis at ang truck driver na sangkot sa viral road rage incident sa NLEX-Mindanao Avenue sa Valenzuela City. Gayunpaman ayon kay PNP Civil Security Group Spokesperson Police Lieutenant Colonel Eudisang Gultiano, tuloy pa rin ang administrative investigation sa pulis na nakadestino sa kanilang regional office. Maaari pa ring… Continue reading Pulis at truck driver sa viral road rage, nagkaayos na; Imbestigasyon sa pulis, tuloy pa rin

Comelec umaasa na magtutuloy tuloy ang maayos at payapang paghahain ng COC hangang sa huling araw ng filing

Umaasa si Comelec Chair George Garcia na magtutuloy tuloy ang maayos at payapang paghahain ng Certificate of Candidacy hanggang sa huling araw ng filing (October 8). Sa press conference matapos ang unang araw ng CoC filing, sinabi ni Garcia na walang naitalang “untoward incident” sa day -1. Patuloy anyang nakamonitor ang poll body sa mga… Continue reading Comelec umaasa na magtutuloy tuloy ang maayos at payapang paghahain ng COC hangang sa huling araw ng filing

Pamilya Barayuga, nagpaabot ng pasasalamat sa Quad Committee at mga lumantad na testigo sa pagpatay sa dating PCSO board secretary

Nagpasalamat ang pamilya Barayuga sa Quad Committee at sa 2 testigo na naglakas loob para ilahad ang nalalaman ukol sa pagpatay kay dating PCSO board secretary Gen. Wesley Barayuga. Matapos anila ang 4 na taon na walang aksyon ay mabubuksan na muli ang kaso. “Ang Pamilya Barayuga ay nagpapasalamat sa QuadCom at sa mga witnesses… Continue reading Pamilya Barayuga, nagpaabot ng pasasalamat sa Quad Committee at mga lumantad na testigo sa pagpatay sa dating PCSO board secretary

PNP, may lead na sa ginagawang pagtugis kay Atty. Harry Roque

May sinusundan nang lead ang Philippine National Police (PNP) sa ginagawa nitong pagtugis kay dating Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque. Sa isang panayam kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, sinabi nito na maingat na sinusubaybayan ng Pulisya ang galaw ni Roque. Bagaman iginagalang ni Marbil ang mga pinakakawalang patutsada ni Roque sa kanilang… Continue reading PNP, may lead na sa ginagawang pagtugis kay Atty. Harry Roque

4 na senior officials ng PNP, na promote bilang 1 star Generals

Madaragdagan ang bilang ng mga Heneral sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Ito’y matapos aprubahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang promosyon sa 4 na senior officials ng Pambansang Pulisya. Kabilang sa mga ini-akyat bilang mga bagong Police Brigadier General o 1 star rank sina PCol. Aden Lagradante, PCol. Salvador Alacyang, PCol. Rudencido Reales… Continue reading 4 na senior officials ng PNP, na promote bilang 1 star Generals

Pasig City Hall of Justice, nakatanggap ng bomb threat, ayon sa PNP

Nakatanggap ng bomb threat ang Pasig City Hall of Justice ngayong umaga. Agad na pinalabas ang mga kawani at ipinagbabawal na rin ang pagpasok sa tanggapan habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Pasig Philippine National Police (PNP). Ayon sa Pasig PNP, naganap ito bandang alas-nuebe ng umaga at ang lahat ng pagdinig ay kanselado na ngayong… Continue reading Pasig City Hall of Justice, nakatanggap ng bomb threat, ayon sa PNP

Number 4 man sa PNP, pormal nang namaalam ilang araw bago magretiro

Nagpaalam na sa hanay ng Philippine National Police (PNP) si PLtG. Jon Arnaldo bilang The Chief of the Directorial Staff (TCDS). Ito’y kasunod ng kaniyang nakatakdang pagreretiro sa serbisyo sa Oktubre a-3 kasabay ng mandatory retirement age na 56. Sa flag raising ceremony sa Kampo Crame, nagpasalamat si Arnaldo kay PNP Chief, PGen. Rommel Francisco… Continue reading Number 4 man sa PNP, pormal nang namaalam ilang araw bago magretiro

Arraignment kay dating Bamban Mayor Alice Guo sa kasong Graft sa Valenzuela RTC, ipinagpaliban

Muling ipinagpaliban ng Valenzuela City Regional Trial Court branch 282 ang pagbasa sana ng sakdal laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito’y may kuagnayan sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ito ang dahilan ayon kay Bureau of Jail Management… Continue reading Arraignment kay dating Bamban Mayor Alice Guo sa kasong Graft sa Valenzuela RTC, ipinagpaliban