Ilang tanggapan ng LTO-NCR, pansamantalang isinara dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Carina

Naglabas ng abiso ang Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang isasara ang ilang tanggapan nito sa National Capital Region (NCR). Ito ay dahil sa matinding pinsalang dulot ng bagyong Carina. Batay sa abiso, kabilang sa mga saradong opisina ng LTO-NCR sa Quezon City ang Traffic Adjudication Section, New Registration Unit, at G. Araneta Licensing Section… Continue reading Ilang tanggapan ng LTO-NCR, pansamantalang isinara dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Carina

State of Calamity, idineklara na sa Lungsod ng Malabon dahil sa epekto ng pagbaha dulot ng bagyong Carina

Photo courtesy of Malabon City Government

Idineklara ng Lokal na Pamahalaan ng Malabon ang State of Calamity sa buong lungsod matapos ang malawakang pagbaha na dulot ng bagyong Carina. Pinangunahan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang Malabon Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Meeting ngayong araw kasama ang iba pang kawani ng pamahalaang lungsod upang talakayin ang mga hakbang… Continue reading State of Calamity, idineklara na sa Lungsod ng Malabon dahil sa epekto ng pagbaha dulot ng bagyong Carina

Frontliners na tumutugon sa pangangailangan ng mga apektado Habagat at Bagyong #CarinaPH, pinasalamatan ni SP Chiz

Frontliners na tumutugon sa pangangailangan ng mga apektado Habagat at Bagyong #CarinaPH, pinasalamatan ni SP Chiz Nagpahatid ng suporta at panalangin si Senate President Chiz Escudero sa lahat ng mga frontliner mula sa national at local government agencies na tumutugon sa mga nangangailangan ng tulong sa gitna ng pagbaha sa Metro Manila at ilan pang… Continue reading Frontliners na tumutugon sa pangangailangan ng mga apektado Habagat at Bagyong #CarinaPH, pinasalamatan ni SP Chiz

La Mesa Dam, nagsimula nang umapaw; IPO Dam pinalakas pa ang pagbabawas ng tubig

Lumampas na sa normal high water elevation ang tubig sa La Mesa Dam. Hanggang alas 6:00 ngayong gabi, umabot na sa 80.16 Meters ang water level sa dam na higit na sa 80.15 meters normal level. Dahil dito, nakitaan na ng pag apaw sa spillway ang sobrang tubig sa na dumadaloy papunta sa Tullahan River.… Continue reading La Mesa Dam, nagsimula nang umapaw; IPO Dam pinalakas pa ang pagbabawas ng tubig

Navotas solon, nais panagutin ang kompanya na nakasira sa kanilang flood gate

Makikipag-usap si Navotas Representative Toby Tiangco sa MMDA kung paano mapapanagot ang kompanya na nakasira sa  Tangos-Tanza Navigational Gate. Aniya kung operational lang ang lahat ng 81 flood gate pumping station ay hindi malala ang baha sa kanilang lugar. Nakikipag-ugnayan aniya sya ngayon sa MMDA para posibleng kaso na isampa sa may ari ng bangka… Continue reading Navotas solon, nais panagutin ang kompanya na nakasira sa kanilang flood gate

Ilang bahagi ng NLEX na nilubog ng baha, madadaanan na ng mga motorista

Madadaanan na ng mga motorista ang leftmost lane o lane 1 ng Valenzuela Northbound at Southbound . Ang bahagi ng daan ay nilubog ng baha dahil sa malalakas na ulan dulot ng Bagyong #CarinaPH at habagat. Sa abiso ng North Luzon Expressway Corporation (NLEX),may mga kalsada na hindi pa rin madadaanan ng lahat ng uri… Continue reading Ilang bahagi ng NLEX na nilubog ng baha, madadaanan na ng mga motorista

Ilang mga bahay sa paligid ng Marikina River, abot-bubong na ang tubig

Lubog na sa tubig ang ilang bahay na malapit sa Marikina River. Kabilang dito ang mga bahay sa Brgy. Sto. Nino sa Marikina City kung saan bubong na lamang ang makikita. Sa harap na rin ito ng patuloy na pag-apaw ng Marikina River dahil sa malalakas na ulan na dulot ng habagat at pinaigting ng… Continue reading Ilang mga bahay sa paligid ng Marikina River, abot-bubong na ang tubig

Higit 7,000 pamilya, nailikas sa QC dahil sa mga pag-ulan at pagbaha

Photo courtesy of QC Government Facebook page

May humigit-kumulang 7,305 na pamilya at 22,682 indibidwal ang nailikas na sa iba’t ibang evacuation centers sa Quezon City. Dahil pa rin ito sa walang tigil na pag-ulan at pagbaha sa kanilang mga lugar. Pinakamaraming inilikas ay mula sa District 4 na aabot sa 1,966 na pamilya o 7,099 katao; sunod ang District 2 na… Continue reading Higit 7,000 pamilya, nailikas sa QC dahil sa mga pag-ulan at pagbaha

Halos 500 pamilya sa Pasig City, inilikas dahil sa malakas na ulan at baha na dulot ng bagyong Carina

Umabot na sa halos 500 pamilya ang inilikas sa Lungsod ng Pasig na apektado ng mga pagbaha dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong Carina at habagat. Batay sa pinakahuling datos ng Pasig PIO, nasa 492 na pamilya o 1,948 na mga indibidwal ang kasalukuyang tumutuloy sa 19 na mga evacuation center sa lungsod.… Continue reading Halos 500 pamilya sa Pasig City, inilikas dahil sa malakas na ulan at baha na dulot ng bagyong Carina

NCR, isinailalim na sa state of calamity dahil sa matinding pagbahang dulot ng bagyong Carina

Opisyal nang idineklara ng Metro Manila Council (MMC) ang pagsasailalim sa state of calamity ng National Capital Region (NCR). Sa isang pulong sa Pasig City ngayong hapon na pinangunahan nina Interior Secretary Benhur Abalos at MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora kasama ang iba’t ibang alkalde sa Metro Manila napagkasunduan na isailalim… Continue reading NCR, isinailalim na sa state of calamity dahil sa matinding pagbahang dulot ng bagyong Carina